09/07/2025
Gaano kahirap maging isang solo player?
Marami parin kasi ang hindi nakakaintindi kung bakit mababa ang rank ng mga solo players. Yung iba at hindi makaalis sa epic, yung iba hanggang legend lang ang highest rank, at ang iba naman ay hanggang mythic lang ang naaabot na rank bago mag-end season.
Marahil iniisip niyo na mas malakas kayo kaysa sa solo player at ang baba ng tingin niyo sa mga solo players dahil alam mong mas mataas ang rank mo kaysa sa kanila. Pero ito ang katotohanan, mas dapat pang hangaan ang mga solo players dahil sa bawat laro ay kakampi lang ng mga solo players ang aming mga sarili. Hindi kami umaasa na mayroong maayos na kakampi. Expected na namin na 1 vs 9 ang laban sa bawat laro sa RG dahil ang mga kakampi ay kalaban na rin. Hindi tumutulong ang mga kakampi kapag solo ka lang, hindi rin nila alam ang gagawin kapag may objectives, aagawin pa nila ang farm na dapat para sayo, at higit sa lahat ay sinasadya ng mga random na kakampi ipatalo ang laro.
Hindi naman masama kung may mga kasama ka magpataas ng rank pero sana matutunan niyo din ma-appreciate ang mga solo players na mag-isa lang nakikipaglaban sa siyam (4 kakampi at 5 kalaban pero lahat yan kalaban). Marami ang masyadong mapagmataas sa kanilang rank pero wala rin naman galaw. Marami diyan ang binuhat lang, marami din diyan ang hindi naman sila ang nagpataas ng rank. Hindi po masama magpapilot if may pera ka naman pero yung sasabihin mo na ikaw ang naglaro at mag-feeling malakas kayo, yan ay isang malaking pagkakamali.
Dapat mga bisaya at tagalog magkaayos na din para maging masaya at maayos na sa ML. Tama? Tama! Very good! Lahat main hero ko at ako lang nakakagawa niyan pero dapat humble lang.