23/09/2025
“BETTER TO LOSE MY JOB THAN LOSE MY CONSCIENCE”
May matino sa Department of Public Works and Highways (DPWH), pero sila yung natatanggal sa pwesto dahil sa pagtangging makisama sa sistema. Yan ang madaliang takeaway mula sa viral FB post ni Bea Herrera, na nagsabing anak siya ng isang dating DPWH civil engineer.
Ayon sa post ni Bea, natanggal sa DPWH ang kanyang ama dahil sa pagtanggi nitong pumirma sa isang GHOST PROJECT, na naging dahil kung bakit humirap ang kanilang pamumuhay noon.
Mabuhay ang mga tulad ni Engr. Renato Herrera, tatay ni Bea, sa pagtanggi na maging bahagi ng korap na sistema! Sana ay mas marami ang mga tulad niya na manindigan sa DPWH at sa buong pamahalaan!