16/08/2025
NAGBITIW na si NBI Director Jaime “Jimmy” Santiago sa kanyang posisyon sa pamamagitan ng isang irrevocable resignation.
Sa kanyang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binanggit ni Santiago na may smear campaign laban sa kanya at may mga “sinister interests” na layong sirain ang kanyang reputasyon.
Nagbitiw si Santiago sa NBI matapos ang sunod-sunod na paninira sa kanyang pangalan.
Ayon sa kanya, hindi niya kayang hayaan na masira ang integridad na pinaghirapan niya sa loob ng maraming taon bilang hukom, abogado, at opisyal ng pulisya.
Bagamat una na siyang nagsumite ng courtesy resignation, pinili niyang gawing irrevocable ang kanyang pagbibitiw dahil sa mga umano’y orchestrated na pag-atake sa kanyang pagkatao. Sinabi rin niya na mananatili siya sa puwesto hanggang sa makapili ng kapalit upang masigurong maayos ang paglipat ng pamumuno sa NBI.