25/10/2025
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐๐๐ก๐๐ก โ๐ป๐๏ธ
Bilang tugon sa nangyaring โ๐ง๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ง๐ถ๐๐ฎ๐ป๐,โ nakiisa ang mga Communication Students at Tytana Communication Society sa kilos na ito kasama pa ang ibang studyante sa MTC Lobby, suot ang kanilang mga puting kasuotan kasama ang laso bilang simbolo ng pagkakaisa at paninindigan. Hindi lamang ito isang simpleng pagtitipon, kundi isang makabuluhang pagkilos ng kabataang handang ipahayag ang kanilang boses laban sa korapsyon at kapabayaan ng pamahalaan. Sa kabila ng mga paulit-ulit na pangako at kasinungalingan, pinatunayan nating mga Titan na hindi tayo mananahimik. Sa halip, patuloy tayong tatayo, magsasalita, at kikilos para sa hustisya at pananagutan.
Isinagawa ang kilos-protestang ito bilang aksyon sa patuloy na korapsyon at kawalang pananagutan ng mga nasa kapangyarihanโhindi lang ito galit, kundi panawagan para sa totoong pagbabago. Sawa na tayo sa mga pangakong napapako at sa mga proyektong hindi natatapos.
Mababa ang sahod, kulang ang serbisyong pampubliko, at marami pa ring proyektong napapako dahil sa maling pamamalakad. Habang ang pondo ng bayan ay napupunta sa bulsa ng iilan, milyon-milyong Pilipino ang patuloy na naghihirapโmga manggagawang hindi sapat ang kita, mga estudyanteng hirap magpatuloy sa pag-aaral, at mga pamilyang lumulubog sa baha at gutom. Ito ang katotohanang hindi na natin dapat palampasin.
Hindi na natin dapat hinahayaan ang mga ganitong pangyayari. Hanggang kailan tayo manonood habang ninanakaw ang kinabukasan natin? Panahon na para kumilos, manindigan, at ipaglaban ang nararapatโ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐, ๐ ๐๐ฉ๐ค๐ฉ๐ค๐๐๐ฃ๐๐ฃ, ๐๐ฉ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค.
Caption by: Jesalyn Abadicio
Photos by: Princess Janine Escobar