Looding Tv

Looding Tv my uniqueness gives goodvibes to people who have been deprived from happiness

05/07/2026
04/07/2026

💪🇵🇭🤲

24/06/2026

Ulyanin na ang pasyente...
iba-iba na ang mood kada minuto! 😅

Bilang nurse, hindi rason ang pananakit para gumanti.
Lalo na kung ang pasyente ay may dementia, Alzheimer's, o memory loss. Minsan hindi na sila galit sa'yo nalilito lang sila sa mundong nakikita nila.

Kaya ang tunay na nurse:
✅ Mahaba ang pasensya
✅ Matatag ang puso
✅ Marunong umunawa
✅ At minsan... naka-ready ang "pang-boxing helmet" para sa sariling proteksyon! 😂⛑️

Tandaan: Hindi lahat ng suntok ay galit. Minsan sintomas lang ito ng sakit na kanilang pinagdadaanan.

💙 Respect sa lahat ng nurses na kahit minsan nasasabunutan, nasisiko, o napapagalitan, patuloy pa ring nagbibigay ng malasakit at pag-aaruga.

Ang importante after ng restling nyo may HADIYA🤣😂😂

Hahaha
16/05/2026

Hahaha

Pati ba naman dito habulan parin..

08/05/2026

Batang Medic ng All-Out War
Mindanao year 2000 ni Erap

Sa panahon ng all-out war noon sa ilalim ni Joseph Estrada…
isa lamang akong batang nag-aaral ng nursing mula sa Mindanao.

Hindi pa rehistradong nurse…
wala pang titulo…
pero ang puso ko noon, handang tumulong sa kapwa Bangsamoro na sugatan, takot, at naiipit sa gitna ng digmaan.

Habang ang iba ay natutulog sa gabi…
kami noon naglalakad sa dilim, tahimik na tumatawid sa mga lugar na delikado, dala ang mga basic na gamot, benda, at pag-asa para sa mga nasugatan ng bala at putukan.

Bawat sigaw…
bawat iyak…
bawat tunog ng bala…
hanggang ngayon dala ko parin bilang trauma at alaala ng pakikibaka ng mga Moro para sa karapatan at kapayapaan.

Marami sa mga totoong lumaban noon ang hindi nabigyan ng mataas na posisyon ngayon…
ang iba nagbuwis ng buhay…
ang iba naiwan nalang sa alaala ng kasaysayan.
Masakit isipin… pero iyon ang katotohanan.

Pero para sa akin…
Alhamdulillah.
Hindi man ako naging opisyal o pinuno sa Bangsamoro government, naging daan naman ang mga karanasang iyon para maging matatag ako bilang tao at bilang nurse ngayon.

Doon ko natutunan na ang tunay na bayani…
hindi lang yung may armas.
Minsan yung batang may dalang gamot…
may pusong handang magsakripisyo…
at handang tumulong kahit sariling buhay ang kapalit.

At sa lahat ng may posisyon ngayon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao…
ingatan ninyo ang tiwalang ipinaglaban noon ng maraming Bangsamoro.
Dahil maraming dugo, luha, at buhay ang naging kapalit para makarating tayo sa kapayapaang tinatamasa natin ngayon.

Alhamdulillah…
mula sa batang medic ng digmaan…
hanggang sa pagiging nurse ngayon…
dala ko parin ang puso ng isang Bangsamoro.




Stay healthy
08/05/2026

Stay healthy

Address

Nicols
Pasay City
1301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Looding Tv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category