21/08/2023
Sa Senate hearing ng Committee on Finance noong Aug. 16, kinuwestyon ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang pang-aarbor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag imprenta ng ating national ID sa Philippine Statistic Authority (PSA).
Nagtataka si Sen. Tulfo bakit ang BSP, na ang trabaho ay mag-imprenta ng pera, ay nakialam sa kontrata sa pagpapa-imprenta ng mga ID na nagkakahalaga sa tumataginting na โฑ28 Billion.
Ang masaklap, matapos maipa-arbor ng PSA sa BSP ang proyekto, ang kontrata ay ipinasa naman ng BSP sa AllCard, Inc. kahit pa ang kompanyang ito ay dati nang may problema sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng delay sa pagpapatupad sa kontrata.
Ngayon, sa muli, delayed ulit ang AllCard sa pagpapatupad sa kontrata naman nito sa BSP. Pero hindi lang delayed ang problema ng AllCard kundi nakagawa pa ito ng malaking bulilyaso. Pumalpak sila sa disenyo ng QR code dahil napakaliit nito at hindi sapat para makapag-store ng mga mahahalagang impormasyon.
Bukod dito, ang mga nakaimprenta sa card ay madaling mabura at madali rin daw masira ang mismong card. Kaya ngayon ay sisirain nila ang milyon-milyon nang naimprentang mga card na ito para sa bagong disenyo. Sa madaling salita, back to square one ulit sila.
Kinuwestyon din ni Sen. Tulfo ang BSP kung bakit ang pagpapagawa ng bagong 1,000-peso bill natin ay ikinontrata nila sa Australia. Ibig sabihin, pati ang mismong sarili nating pera ay ini-import na rin ngayon.
Magpapasa ng resolution in aid of legislation si Sen. Tulfo para mapa-imbestigahan ang mga isyung ito laban sa BSP at AllCard..