16/03/2025
CTTO
'BASTOS'
Unang tingin palang, walang maniniwalang ito ang first family. Tatay na parang lasinggero kung magmura. Mga anak na puro tato at siga kung umasta. Isang pamilya na parang mga karakter sa telenovela. Malayo sa nakasanayan nating imahe. Hindi sila mukang "first family". "Worst" family, pwede pa.
'Di nagtagal, unti-unting binago ang ating pananaw.
Lahat ng ito'y nagsimula sa ama. Sa lahat ng bastos, siya lang yung may galang sa kalikasan. Nilinis ang Manila Bay at Boracay upang di tuluyang mabulok. Probinsyanong dugyot pumorma, pero kapakanan ng iba ang inuna. Dala ng kabastusan, pinili niyang labanan ang mapang-abusong media, pagbayarin ng tamang buwis ang mayayamang kapitalista, banggain ang mga narco-generals, mga drug lords, korap na politiko, at sugpuin ang terorismo.
Napakarami pa niyang kabastusang ginawa. Nariyang magpagawa ng libo-libong kalsada at milya-milyang tulay. Pinaganda ang mga airport, pinalakas ang AFP, tinaasan ang take home ng mga empleyado pati na ang mga sundalo, nirespeto ang mga OFWs, sinagot ang universal healthcare pati libreng paaral sa kolehiyo.
Minsan nga naisip ko "sino ba ang tunay na bastos?" Yung magaspang ang asal at matalas ang dila ngunit busilak ang puso? O yung disente ang kilos at wika, pero walang pagmamahal sa maliliit na tao?
Bastos raw ang mga Duterte, yan ang sabi nila. Ngunit kung pagbabasehan ang mga nagawa, respeto, paghanga, at pagmamahal para kay Rodrigo,
mawalang galang sa mga disente, pero malinaw na Bastos na pinuno ang gusto ng madla.
Ctto.