31/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐
Sa kasagsagan ng pandemya, maraming mag-aaral sa bansa ang naharap sa mabibigat na pagsubok. Ilan na lamang dito ang pagkawala ng hanap-buhay ng mga magulang, kakulangan ng espasyo at kagamitan para sa pag-aaral, hanggang sa bigat ng pasanin sa pangkalusugan. Bagamat ipinagpatuloy ang pag-aaral sa ibaโt ibang pamamaraan, hindi maitatanggi na lumalim ang agwat sa kalidad ng edukasyon na natanggap ng mga estudyante.
Ayon sa pagsusuri ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), pinangunahan ni Dr. Jose Ramon G. Albert, at ng Philippine Studies Programme na isinulat ni JC Punongbayan, lumalabas na ang pagnayon ng budget ng bansa sa edukasyon ay nasa 3.6% ng GDP, na nagpapakita ng mas mababa kaysa sa inirekumenda ng UNESCO na 4โ6%. Ipinapakita nito ang pangangailangan ng isang malinaw at pangmatagalang roadmap na may sapat na pondo at nakatuon sa tunay na pag-unlad ng kalidad ng pagkatuto.
Nanatiling malaking hamon ang kalidad ng edukasyon. Maraming mag-aaral ang hirap sa batayang kasanayan gaya ng pagbasa, aralin sa matematika, at mga kasanayan sa agham, na isang sitwasyon na higit pang pinalala ng higit dalawang taong pagkaantala ng pisikal na klase noong pandemya. Ang kakulangan sa g**o, mababang sahod, at limitadong learning resources ay dagdag pasanin na bumabalot sa ating sistemang pang-edukasyon.
Sa kabila ng lahat ng ito, nakikita rin ang mga hakbangin na isinasakatuparan ng ibaโt ibang sektor sa ating bansa. Mula sa mga programa ng gobyerno at lokal na pamahalaan, hanggang sa inisyatiba ng mga unibersidad at organisasyon, na unti-unting nagbibigay-pansin sa mga kakulangan. Bagamat malayo pa sa ganap na solusyon, ang mga ito ay hakbang tungo sa mas inklusibong pagtanaw sa kinabukasan ng edukasyon.
Para sa mga kolehiyo na nag-aaral sa mga pamantasan, nananatili ang hamon sa parteng mas abot-kaya man ang matrikula, dala pa rin ang bigat ng gastusin, kakulangan sa kagamitan, at ang pang-araw-araw na laban upang makatawid sa bawat semestre. Gayundin, hindi rin ligtas ang mga nasa pribadong pamantasan sa parehong hamon ng mataas na gastusin, kakulangan ng suporta, at pangamba sa kinabukasan. Ito ay patunay na ang krisis sa edukasyon ay hindi lamang nakapaloob sa iisang sektor, kundi hamon para sa lahat.
Sa huli, ang edukasyon ay nananatiling paglalakbay hindi lamang para sa diploma kundi para sa pag-asa. Ang bawat mag-aaral na nagpupursigi, kahit sa gitna ng hirap, ay larawan ng lakas at katatagan ng sambayanang Pilipino. Ang kanilang mga pangarap ang nagsisilbing paalala na ang tunay na pagbabago ay nakaugat sa kaalaman.
Kayaโt habang hinihikayat ang patuloy na pagsugpo sa kahirapan at mas malinaw na mga programa para sa edukasyon, higit na mahalaga ring palakasin ang suporta sa bawat estudyante. Sapagkat sa kanilang pagpupunyagi at pagbangon, matatanaw natin ang isang kinabukasan na sama-samang itinataguyodโisang kinabukasang higit na makatarungan at may mas matibay na pundasyon ng pagkatuto.