24/05/2026
tandaan:
Ang utang na loob ay dapat manggaling sa kusang pasasalamat.
Hindi ito dapat gamitin para kontrolin o manipulahin ang isang tao.Pwede kang magpasalamat at tumanaw ng utang na loob nang may hangganan pa rin at respeto sa sarili mo. Malaki ang utang na loob mo sa kanya dahil siya ang tumulong sa sayo noong walang-wala kayo Hindi naman kailangan habang-buhay kang “nakakadena” sa kanila dahil sa utang na loob. Ang tunay na utang na loob ay tungkol sa pasasalamat at pag-alala sa kabutihan ng tao hindi ibig sabihin na wala ka nang karapatang tumanggi o mamuhay para sa sarili mo. May hangganan pa rin ang utang na loob, lalo na Hindi nabubura ang respeto mo bilang tao dahil may tumulong sa’yo dati. May karapatan ka pa ring protektahan ang sarili mo, umiwas sa toxic na tao, at magtakda ng boundaries. Hindi mo kailangang maging perpekto para masabing marunong kang tumanaw ng utang na loob. Ang tunay na pagtulong, hindi dapat paulit-ulit ipinapamukha para manliit ng ibang tao,