22/07/2025
HUWAG IWALANG BAHALA ANG BAHA!
A PUBLIC HEALTH SERVICE FROM Bigo Live Ph Agency Now Hiring agartha Agency.
Leptospirosis: Sakit mula sa Ihi ng Daga
Ano ang Leptospirosis?
Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi. Kadalasang nakukuha ito sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. Bukod sa mga daga, maaari ring maging carriers o tagapagdala ng leptospira bacteria ang mga baka, baboy at a*o. Mahalagang maging alerto sa sintomas ng leptospirosis kung napasugod sa baha lalo na kapag may sugat sa binti at paa.
Mga Sintomas ng Leptospirosis
Ang sintomas ng leptospirosis ay karaniwang nararamdaman 4 hanggang 14 na araw matapos ma-expose sa leptospira bacteria. Ito ang tinatawag na incubation period at sa oras na ito maaaring maramdaman ang mga sumusunod:
Lagnat
Pag-ubo
Panginginig
Sakit ng ulo
Pagkahapo
Pagkahilo at pagsusuka
Pagtatae
Pagkawala ng ganang kumain
Pamamantal ng balat
Pamumula ng mga mata
Pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod
Maaaring lumubha ang leptospirosis at maging dahilan ng pagkamatay kapag hindi naagapan. Maaapektuhan ang mga lamang-loob tulad ng atay, baga, bato, puso at utak. Ang malubhang ka*ong ito ng leptospirosis ay tinatawag na Weil’s disease. Ito ang ilan sa mga sintomas:
Paninilaw ng balat at ng puting bahagi ng mga mata
Pamamaga ng mga bukung-bukong, paa at kamay
Pananakit ng dibdib
Seizures o matinding sumpong
Pangangapos ng hininga
Pag-ubo ng dugo

source: ritemed.com
agreed proven : E.delacruz REGISTERED NURSE