Ang Bagwis

Ang Bagwis Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Pasay City South High School

Tunay na Mata ng KasaysayanNgayong ika-25 ng Pebrero taong kasalukuyan, ating ginugunita ang tapang ng sambayanang lumab...
25/02/2026

Tunay na Mata ng Kasaysayan

Ngayong ika-25 ng Pebrero taong kasalukuyan, ating ginugunita ang tapang ng sambayanang lumaban kontra sa diktadura at kanilang pinatunayan na ang tunay na kapangyarihan ay nagmula sa mamamayan.

Ngunit ngayon, may mga pilit na binabaluktot ang kasasaysayan at katotohanan. Nagtatangkang palabuin ang ebidensyang naganap sa EDSA—na tila isang kathang-isip lamang, isang pahinang kaya nilang punitin sa aklat ng bayan.

Ang pagtangkang burahin ito ay hindi lamang kalapastangan sa ating kasaysayan—ito ay ang paghamon sa alaala ng isang bansang kayang sumigaw para sa kalayaan at katarungan.

Hindi tayo mananahimik
Hindi tayo papayag
Hindi nila matutusok ang mata natin ng patpat ng kasinungalingan at kasakiman upang tayo’y mabulag sa katotohanan.

Dahil ang mata ng mamamayang minsang namulat ay hindi na muling pipikit.
Ang isip na nagising ay hindi na muling papayag na igapos.

Ang kasaysayang ipinaglaban ng pawis, dugo, at tapang ay hindi kailanma’y matatakpan o mabubura.



Isinulat ng: Ang Bagwis
Dibuho ni: Marco Angelo D. Largo

BASAHIN | PCSHS, Entablado sa Sinemunti at LikhawitanNagsilbing sentro ng talento at masining na pagtatanghal ang Pasay ...
24/02/2026

BASAHIN | PCSHS, Entablado sa Sinemunti at Likhawitan

Nagsilbing sentro ng talento at masining na pagtatanghal ang Pasay City South High School sa pagsasagawa ng mga patimpalak ng Sinemunti at Likhawitan sa 2026 Regional Festival of Talents (RFOT), ngayong Pebrero 24, 2026.

Nakaangkla ito sa temang "Galing Talino, at Husay ng Mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika,” at may layuning ibida ang malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral sa masining na pagkukuwento gamit ang maikling pelikula, gayundin ang pagsasanib ng musika, wika, at kultura.

Mainit na tinanggap ni Dr. Felina P. Patagan (Principal IV) ang lahat ng kalahok at dumalo.

"Yes, we are in a competition—however this contest objects fighting; [kailangang] maging magkakaibigan tayo because we are all in one region," saad ni Dr. Patagan.

Kabilang sa mga dibisyon sa National Capital Region (NCR) na kalahok ay ang Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, Pasay, Quezon, San Juan, Taguig-Pateros, at Valenzuela.

Kasunod nito ay inilahad ng Technical Working Group ang mga panuntunan para sa dalawang kompetisyon.

Nakatuon ang Sinemunti sa paglikha ng maikling pelikula na susuriin batay sa nilalaman, sinematograpiya, at iba pang pamantayan. Samantala, pagbuo ng masining na awit at orihinal na komposisyon ang sinusuri sa Likhawitan.

Itinakda ang unang araw para sa oryentasyon, pre-production planning, scriptwriting, at language translation. Isasagawa naman ang video shooting, editing, synopsis, at movie poster sa ikalawang araw. Inilaan ang huling araw para sa film showing, paghahatol, at paggawad ng mga parangal.

Sinig**o naman ni Dr. Cynthia D. Abella (Assistant Principal II) na magiging maayos ang daloy ng buong kompetisyon at gagabayan ang mga Schools Division Offices personnel, coaches, trainers, at participants, bilang pagtaguyod ng integridad sa patimpalak.

Isinulat ni: Carla Gernale
Kuha nina: Sabiniano Christian Araña, Ralf Graean Loterte, Simoun Benjamin Nool

Sa walang humpay na pag-alpas tungo sa ganap na malayang bukas, narito ang pahayagang Ang Bagwis na handang maghatid ng ...
17/02/2026

Sa walang humpay na pag-alpas tungo sa ganap na malayang bukas, narito ang pahayagang Ang Bagwis na handang maghatid ng mga balitang wasto, napapanahon, at mapagkakatiwalaan para sa ating paaralan, at sa paglalathala ng Tomo XX – Blg. 1. Ito’y handa nang tumungo sa Lungsod ng Las Piñas upang lumahok sa panrehiyong paligsahan sa pamamahayag (RSPC).

Maaari ninyong basahin ang buong nilalaman ng pahayagan dito:
https://heyzine.com/flip-book/6ea7cca41b.html

Mula sa pamunuan ng Ang Bagwis, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi a...
09/02/2026

Mula sa pamunuan ng Ang Bagwis, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi at nasa likod ng tagumpay na aming nakamit sa Division Schools Press Conference 2026.

Sa aming Public Schools District Supervisor, Dr. Basilisa Tomimbang, maraming salamat sa patuloy na suportang inilalaan ninyo sa bawat mag-aaral ng Pasay City South High School. Sa Punongg**o ng PCSHS, Dr. Felina Patagan, taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa inyong agarang pagtugon sa aming mga pangangailangan sa pagsasanay at sa walang sawang pagsuporta sa Ang Bagwis.

Sa aming mga Kawaksing Punongg**o, Dr. Cynthia Abella at G. Victor Tubilan, maraming salamat sa inyong di-matatawarang paggabay at patuloy na inspirasyon. Sa administrasyon ng paaralan, Sir Bon-Bon Navasquez at Ma’am Marileth Alcala, lubos ang aming pasasalamat sa mga kagamitang aming ginamit sa mga pagsasanay.

Sa Puno ng Kagawaran ng Filipino, Gng. Wilma V. Amores, maraming salamat sa mga pangaral, masusing pagtuturo, at walang kapantay na suporta para sa mga batang mamamahayag ng Ang Bagwis. Gayundin, sa buong kaguruan ng Kagawaran ng Filipino, kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagmamahal, malasakit, at patuloy na suporta, kabilang ang paghahanda ng pagkain upang masig**ong maayos ang pagsasanay at kahandaan ng aming mga mamamahayag.

Sa mga g**o ng mga mamamahayag, salamat sa pag-unawa at pagbibigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral na lumahok sa DSPC.

Isang taos-pusong pagkilala rin ang aming iniaabot sa mga dating kasapi ng Ang Bagwis na ngayo’y katuwang na namin sa pagsasanay:
Virgilio Cantong, Krsna Mercurio, Marcus Delizo, Jhon Solomon, Alekssa Pareja, Janelle Andal, Ritz Nicole, Ian Aquino, at Janice Omagtang.

At higit sa lahat, ang aming lubos na pasasalamat ay para sa mga tagapagsanay ng Ang Bagwis—Gng. Ruth Maestre, Gng. Jannet Tolosa, at G. Johnsen Cortes—sa walang sawang paglalaan ng oras, kaalaman, at dedikasyon upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng bawat mag-aaral na mamamahayag ng Pasay City South High School.

Para sa inyo ang tagumpay na ito.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Mga Mag-aaral ng SHS, Dumalo sa L.I.F.E. ClassHapon ng Miyerkules, Enero 28, 2026, nagsagawa ng seminar ang Se...
30/01/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Mga Mag-aaral ng SHS, Dumalo sa L.I.F.E. Class

Hapon ng Miyerkules, Enero 28, 2026, nagsagawa ng seminar ang Senior High School Peer Facilitator, katuwang ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Every Nation Campus (ENC), sa Audio-Visual Room ng Pasay City South High School mula bandang alas-2 hanggang alas-3 ng hapon.

Ang seminar ay boluntaryo at bukas para sa sinumang nagnanais matuto pa tungkol sa pamumuno. Sa araw na iyon, tinalakay ng seminar ang isang partikular na aspeto ng pamumuno, na tinatawag na Servant Leadership. Nagsimula ang programa sa pagtugtog ng pambansang awit at panalangin, kasunod ang mainit na pagbati mula sa minamahal nating Kawaksing Punongg**o na si G. Victor L. Tubilan, at ang mensahe ng inspirasyon mula kay Dr. Basilisa D. Tomimbang, Public School District Supervisor ng Cluster 8.

Pagkatapos nito, ipinakilala ni Gng. Mekisa A. Abuan, Guidance Counselor ng Senior High School, ang pangunahing tagapagsalita ng seminar na si Pastor Francis Javier, Lead Pastor ng Victory Church Fellowship sa Pasay City. Ipinamahagi niya ang isang kumpleto, maayos, at interaktibong seminar na nagbigay ng kalayaan sa mga mag-aaral na makibahagi at maunawaan ang paksa.

Sa kabuuan nito, nagkaroon ng pangkatang aktibidad na nagpagaan sa pakiramdam ng bawat mag-aaral at nagbigay ng pagkakataon na maramdaman nilang napapansin at napapakinggan sila. Masigasig ang mga pakikipag-ugnayan sa bawat estudyante upang walang naiwang hindi nakilahok. Pinagsaluhan ng lahat ang tawanan at mga karanasan, habang natututo ng mahalagang aral mula sa mismong pastor batay sa kanyang mga karanasan.

Sa pagtatapos ng programa, hinatid ni Jamaica Denese Soquite, Presidente ng Senior High School Peer Facilitator, ang huling mensahe para sa seminar.

✍️: Gelline Odicta
📸: Ashley Ramos, Alecxander Peter Manuel

TINGNAN | Pormal na Pagsasara ng DFOT 2026, Idinaos sa Jose Rizal Elementary SchoolTampok ang husay ng mga mag-aaral mul...
16/01/2026

TINGNAN | Pormal na Pagsasara ng DFOT 2026, Idinaos sa Jose Rizal Elementary School

Tampok ang husay ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan, kabilang ang Pasay City South High School sa nagdaang Division Festival of Talents (DFOT) 2026 na may temang "Empowering the Youth: Unleashing Potentials in Creative Industries in the Era of Artificial Intelligence (AI)" na ginanap mula Enero 14-16, 2026.

Isinagawa ngayong araw, Enero 16, 2026, ang opisyal na pagsasara ng DFOT 2026 sa Jose Rizal Elementary School sa pamamagitan ng isang palatuntunan. Sa unang bahagi ay binigyang-parangal ang mga nagsilbing "host schools" na kinabibilangan ng Pasay City South High School para sa nasabing paligsahan.

Bilang bahagi ng mga intermisyon sa programa, nagpamalas ng kani-kanilang talento ang mga mag-aaral na nagkamit ng unang gantimpala sa mga kategoryang Bayle sa Kalye (Pasay City West High School), Kindergarten Folk Dance (Kalayaan Elementary School), Vocal Solo (Timoteo Paez Elementary School), Himig Bulilit, at Katutubong Sayaw.

Uusad naman patungo sa Regional Festival of Talents (RFOT) 2026 bilang kinatawan ng Pasay ang mga kalahok ng Pasay City South High School na sina Dennaica Paula G. Bardaje (1st Place - Pintahusay), Raizhen E. Rama at Ace B. Tranquillo (1st Place - Electrical Installation and Maintenance).

Hindi rin nagpahuli sa pagkamit ng mga puwesto ang mga mag-aaral na sina Lara Gayle B. Bacsal (3rd Place - Bidyokasiya); Arleigh C. Raveche at Audrich James Pitalvo (2nd Place - Advocacy Pitch); Iryzh C. Inso, Danilo T. Villanueva, at Carla Michaela Gernale (3rd Place - STEMazing); at Mariane Jade G. Laniog, Lyka Jane D. Senarpida, Micah L. Pelias, Sindy L. Condat, at Lyreyz L. Superable (2nd Place - Sinemunti).

Bilang pangwakas, inuwi ng Pasay City West High School ang tropeo at titulo bilang Overall Champion - Secondary ng Division Festival of Talents 2026.

Narito ang mga nagwaging mag-aaral sa iba't ibang kategoryang sekondarya:

FILIPINO - SECONDARY
* BIDYOKASIYA
3rd Place - Lara Gayle B. Bacsal (Pasay City South High School)
1st Place - Nanneth L. Siofo (Pasay City East High School)
--

ENGLISH - SECONDARY
* ADVOCACY PITCH
2nd Place - Arleigh C. Raveche, Audrich James Pitalvo Pasay City South High School
1st Place - Adriel Roi Luiz N. Abiad
Princess Sky C. Celestial (Kalayaan National High School)

* FOREIGN LANGUAGE COMPOSITION
1st Place - Lady Althea Todoc (Pasay City West High School)

* FOREIGN LANGUAGE EXPOSITION
1st Place - Hizel Queenie D. Cale (Kalayaan National High School)

MUSABAQAH - SECONDARY
* HARF TOUCH
1st Place - Mohaica Antao (President Corazon Aquino National High School)

* ORATION (NASEEHAH)
1st Place - Andrei Kifler Villasenor (Kalayaan National High School)

* QUR'AN READING -
1st Place - Akkal Ibrahim
(President Corazon Aquino National High School)

* ARABIC LANGUAGE SPELLING SECONDARY
1st Place - Sittie Asiah Bato (Pasay City East High School)

* ALIVE QUIZ BEE
1st Place - Pasay City West High School
--

SCIENCE/MATHEMATICS - SECONDARY
* STEMAZING - SECONDARY
3rd Place - Iryzh C. Inso, Danilo T. Villanueva, Carla Michaela Gernale (Pasay City South High School)
1st Place - Rhian Jennica J. Franco, Stephen Blaize L. Gabor, Rafael Simon Villon (Pasay City National Science High School)
--

MAPEH - SECONDARY
* BAYLE SA KALYE
1st Place - Pasay City West High School

* PINTAHUSAY
1st Place - Dennaica Paula G. Bardaje (SOUTH)

* SINEMUNTI
2nd Place - Mariane Jade G. Laniog, Lyka Jane D. Senarpida, Micah L. Pelias, Sindy L. Condat, Lyreyz L. Superable - Pasay City South High School
1st Place - Pasay City West High School

* LIKHAWITAN
1st Place - Clarice A. Villaflores, Alyssa Faith C. Castro, Dan Will M. Tajudar (Pasay City West High School)
--

SNED - SECONDARY
* NATIONAL IT CHALLENGE FOR LEARNERS WITH DISABILITIES
1st Place - Ameera O. Ada, Maria Isabela Nicole, Xavier Allen F. Gatun (Philippine School for the Deaf)
--

ARALING PANLIPUNAN - SECONDARY
* SPEAK UP!
1st Place - Mary Bernadette B. Lanot (Pasay City East High School)

* POP QUIZ!
1st Place - John Roy G. Benzon (Pasay City National Science High School)
--

EPP/TLE/TVL - SECONDARY
* ELECTRICAL INSTALLATION AND MAINTENANCE
1st Place - Raizhen E. Rama, Ace B. Tranquillo (Pasay City South High School)

* TECHNICAL DRAFTING
1st Place - Joanna Marie B. Estipona (Pasay City West High School)

* FOOD PROCESSING
1st Place - Johnson L. Carintoy (Pasay City West High School)

* BREAD AND PASTRY PRODUCTION
1st Place - Erikamay M. Belista, Gerie DC. Robrigado (Pasay City North - MDC)

*OVERALL CHAMPION - SECONDARY*
- Pasay City West High School

Pagbati sa lahat ng nagwagi!

✍️: Carla Gernala
📸: Ashley Ramos

TINGNAN | Masiglang Pagtatapos ng Buwan ng Sipnayan, Idinaos sa PCSHSMasayang ipinagdiwang ang pormal na pagsasara ng Bu...
12/01/2026

TINGNAN | Masiglang Pagtatapos ng Buwan ng Sipnayan, Idinaos sa PCSHS

Masayang ipinagdiwang ang pormal na pagsasara ng Buwan ng Sipnayan at pagbibigay-parangal sa mga nagwaging mag-aaral noong ika-9 ng Enero 2026 sa Pasay City South High School (PCSHS).

Pinangunahan ang programa nina David R. Wong, tagasuri ng Junior High School (JHS) Math Club, at Alyanna Louiesse Lopez, Kalihim ng Senior Mathematicians Guild, na siyang nagsilbing mga tagapamahala ng programa.

Nagbigay ng panimulang pananalita si Gng. Anecita S. Santos, Puno ng Kagawaran ng Matematika, kung saan kanyang binati ang mga mag-aaral at pinasalamatan ang lahat ng lumahok at tumulong sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Sipnayan.

Naghatid naman ng mensahe ng inspirasyon ang Punongg**o IV ng PCSHS, Dr. Felina P. Patagan, upang hikayatin ang mga mag-aaral na paghusayin pa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng Sipnayan.

Sa pagbibigay-parangal sa mga nagwagi, pinangunahan ito nina G. Herbert Evangelista para sa Junior High School at G. Ireneo Castro III para naman sa Senior High School.

Bilang bahagi ng programa, nagbahagi rin ng mga presentasyong bidyo ang iba’t ibang samahan sa Matematika na naglalarawan ng mga gawain, proseso, at mahahalagang kaganapan sa buong pagdiriwang ng Buwan ng Sipnayan.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Sipnayan ay nagsilbing patunay sa talino, sipag, at dedikasyon ng mga mag-aaral ng Pasay City South High School sa larangan ng Matematika.

Isinulat ni: Euan Dela Cruz
Kuha nina: Ashley Ramos
Peter Manuel

Kilalalin ang mga manunulat ng 𝑲𝒂𝒕𝒊𝒎𝒖𝒈𝒂𝒏, mga patnugot na magsisilbing gabay sa pagpapaigting ng tapat at makabuluhang b...
08/01/2026

Kilalalin ang mga manunulat ng 𝑲𝒂𝒕𝒊𝒎𝒖𝒈𝒂𝒏, mga patnugot na magsisilbing gabay sa pagpapaigting ng tapat at makabuluhang balita at sandigan ng malayang pamamahayag sa paaralan.

Ang 𝑷𝒂𝒕𝒏𝒖𝒈𝒖𝒕𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒈𝒘𝒊𝒔 𝟐𝟎𝟐𝟓–𝟐𝟎𝟐𝟔 ay buong tapang na maglilingkod sa paaralan at sa komunidad.

𝑷𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒑𝒂𝒔, 𝑨𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔!

Maligayang kaarawan sa aming lubos na iginagalang at minamahal na Punongg**o, Dr. Felina P. Patagan, Principal IV! Ang i...
08/01/2026

Maligayang kaarawan sa aming lubos na iginagalang at minamahal na Punongg**o, Dr. Felina P. Patagan, Principal IV! Ang inyong matatag na pamumuno, paggabay, at taos-pusong malasakit ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa buong komunidad ng ating paaralan. Nawa’y ipagkaloob sa inyo ang masaganang kaligayahan, matibay na kalusugan, at patuloy na tagumpay sa inyong personal at propesyonal na buhay. Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang kapantay na dedikasyon at pagmamahal sa ating paaralan. Muli, maligayang pagdiriwang ng iyong kaarawan, minamahal naming Punongg**o! 💙

✍️ : Ang Bagwis
💻: Arrianna Mickhaela Serioza

Sa pagsalubong natin sa panibagong taon, nawa’y maging puno ng pag-asa, sariwang pangarap, at mas maliwanag na bukas sa ...
01/01/2026

Sa pagsalubong natin sa panibagong taon, nawa’y maging puno ng pag-asa, sariwang pangarap, at mas maliwanag na bukas sa bawat isa. Dalangin namin ang isang bagong taon ng tagumpay, kapayapaan, at pagkakaisa. Sama-sama nating harapin ang bagong simula na puno ng saya, pagbibigay, at pagmamahalan. Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat.

✍️: Ang Bagwis
💻: Arrianna Mickhaela Serioza

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧! 🎉Isang pagbati para sa masipag at mahusay na mamamahayag ng Ang Bagwis, 𝓝𝓱𝓲𝓪𝓷𝓷𝓪 𝓐𝓵𝓲𝔃𝓸𝓷 𝓐. 𝓜𝓸𝓵𝓲𝓷𝓸! M...
25/12/2025

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧! 🎉

Isang pagbati para sa masipag at mahusay na mamamahayag ng Ang Bagwis, 𝓝𝓱𝓲𝓪𝓷𝓷𝓪 𝓐𝓵𝓲𝔃𝓸𝓷 𝓐. 𝓜𝓸𝓵𝓲𝓷𝓸!

Maraming salamat sa iyong dedikasyon sa paghahatid ng totoo at makabuluhang balita. Nawa’y maging makulay, ligtas, at masaya ang iyong espesyal na araw.

Muli, maligayang kaarawan, 𝓝𝓱𝓲𝓪𝓷𝓷𝓪! 💙

✍️: Ang Bagwis
💻: Arrianna Mickhaela Serioza

Address

Piccio Garden, Villamor Air Base Pasay City
Pasay City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bagwis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share