29/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Buwan ng Wika: Wika ang Sandigan ng Pagkakaisa
Buwan ng Wika: Wika ang Sandigan ng Pagkakaisa
Tuwing Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Ito ang panahon para alalahanin at pahalagahan ang ating pambansang wika, ang wikang Filipino. Pero higit pa sa mga paligsahan at programa, ang tunay na diwa ng pagdiriwang ito ay ang pagkilala natin sa wika bilang puso ng ating pagkakakilanlan at pundasyon ng ating pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ. Binibigyang-diin ng temang ito na ang Filipino ay hindi lang basta wika; ito ay bunga ng pagsasama-sama ng ibaโt ibang katutubong wika mula sa iba't ibang sulok ng Pilipinas. Ipinapakita nito na ang bawat wikaโmula sa Ilokano, Cebuano, Waray, Hiligaynon, Kapampangan, Bikol, at marami pang ibaโay may mahalagang kontribusyon sa ating pambansang wika at sa ating pagkatao bilang Pilipino.
Ang wika ay hindi lamang simpleng paraan ng pakikipag-usap; ito ay tulay na nag-uugnay sa atin, mula sa ibaโt ibang rehiyon, kultura, at pananaw. Kahit na magkakaiba tayo, ang wikang Filipino ang siyang nagsisilbing iisang tinig na nagpapaalala na tayoโy bahagi ng iisang bansaโang Pilipinas. Kapag ginagamit at minamahal natin ang sariling wika, lalo nating pinapatibay ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
Sa makabagong panahon, malakas ang impluwensya ng mga banyagang wika. Hindi masama ang matuto ng Ingles o iba pang wika, pero hindi ito dapat maging dahilan para kalimutan natin ang sariling atin. Ang paglinang sa Filipino at sa iba pang katutubong wika ay hindi lang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan, kundi pagpapayabong ng ating kinabukasan. Kung pababayaan natin ang ating wika, para na rin nating unti-unting pinapatay ang kaluluwa ng ating pagka-Pilipino.
Kayaโt ang Buwan ng Wika ay hindi lang isang selebrasyon kundi isang panawaganโ gamitin, mahalin, at ipagmalaki ang ating sariling wika. Sa mga paaralan, tahanan, at kahit sa social media, sanaโy maging masigla ang paggamit nito. Sapagkat kapag malakas ang ating wika, mas matatag ang ating bayan.
Sa huli, ang tunay na diwa ng Buwan ng Wika ay hindi nasusukat sa dami ng palamuti o pagtatanghal, kundi sa ating araw-araw na pagkilala at paggamit ng wikang Filipino. Wika ang ating pagkakakilanlan. Wika ang ating kalayaan. Wika ang ating sandigan ng pagkakaisa.
Isinulat nina: Lyndsie Ignacio, Prince Salvador
Larawang-guhit nina: Bella Brillantes, Kristina Cassandra Salvador