Radyo Natin Nationwide

Radyo Natin Nationwide The largest FM network in the Philippines Radyo Natin Nationwide is the largest FM network in the Philippines.

Uniting the country with over 100 radio satellites nationwide. The country's largest FM network is also home to four Golden Dove awards.

 : Isang babaeng Thai ang nabigla matapos matuklasang tinik ng isda pala ang tumusok sa kanyang leeg, dalawang linggo ma...
03/07/2025

: Isang babaeng Thai ang nabigla matapos matuklasang tinik ng isda pala ang tumusok sa kanyang leeg, dalawang linggo matapos niya itong aksidenteng malunok habang kumakain ng fish soup. Ayon sa asawa niyang si Suriyan Buppa-art, hindi nakita sa X-ray ang tinik kaya inakala nilang nailabas na ito. Sinubukan pa ng babae ang mga home remedy tulad ng pagkain ng kanin at tinapay.

Pagkalipas ng dalawang linggo, habang nilalagyan niya ng pain relief patch ang namamagang bahagi ng leeg, napansin niyang may matulis na bagay na bumubulwak palabas ng kanyang balat. Sa pagdiin, lumitaw ang puting dulo ng tinik na naging sanhi ng kanyang matagal na pananakit.

Gusto mo bang manalo ng ticket sa Pagdiriwang ng Pag-asa: Alay Kapwa Benefit Concert sa July 8 sa Araneta Coliseum?Sagut...
03/07/2025

Gusto mo bang manalo ng ticket sa Pagdiriwang ng Pag-asa: Alay Kapwa Benefit Concert sa July 8 sa Araneta Coliseum?

Sagutin lamang ang tanong sa poster at i-like ang social media pages ng Radyo Natin Nationwide.

Inanunsyo ni Darren Espanto ang kanyang bagong album na pinamagatang Ikaw Pa Rin, na ilalabas sa Hulyo 4, 2025, bilang p...
03/07/2025

Inanunsyo ni Darren Espanto ang kanyang bagong album na pinamagatang Ikaw Pa Rin, na ilalabas sa Hulyo 4, 2025, bilang pagdiriwang ng kanyang ika-11 taon sa industriya.

📷: Star Music PH

Korean idol na si Sanha mula sa South Korean boy group na ASTRO, nakatakdang bumalik sa Maynila ngayong August 24 para s...
03/07/2025

Korean idol na si Sanha mula sa South Korean boy group na ASTRO, nakatakdang bumalik sa Maynila ngayong August 24 para sa kanyang nalalapit na fan concert. Gaganapin ang show sa SM North EDSA Sky Dome sa Quezon City.

📷: L-Squared Productions PH

Sen. Lacson, nais ipagbawal ang social media sa mga menor de edad bilang proteksyon laban sa cyberbullying, online haras...
03/07/2025

Sen. Lacson, nais ipagbawal ang social media sa mga menor de edad bilang proteksyon laban sa cyberbullying, online harassment, at iba pang banta sa kanilang mental na kalusugan. Nakasaad sa panukala ang pag-require ng age verification sa mga platform.

Sinabi ni Senate impeachment court spokesperson Regie Tongol sa isang press briefing na 6 sa 11 pangunahing hakbang sa p...
03/07/2025

Sinabi ni Senate impeachment court spokesperson Regie Tongol sa isang press briefing na 6 sa 11 pangunahing hakbang sa procedural framework, o humigit-kumulang 55 porsyento, ay natapos na.

Gayunpaman, ayon sa kanya, hindi pa maaaring isagawa ang pormal na panunumpa ng mga senator-judge hangga’t wala pang presiding officer, na tanging maihahalal lamang pagkatapos ng pagbubukas ng ika-20 Kongreso sa July 28.

 : Salamat, Panginoon, sa panibagong araw. 🙏
03/07/2025

: Salamat, Panginoon, sa panibagong araw. 🙏

02/07/2025

with Cheska San Diego-Bobadilla

 : Nagkamit ng Guinness World Record title ang isang lalaki mula sa United Kingdom dahil sa kakaiba niyang talento sa pa...
02/07/2025

: Nagkamit ng Guinness World Record title ang isang lalaki mula sa United Kingdom dahil sa kakaiba niyang talento sa pag-utot. Hawak ngayon ni Paul Oldfield ang world record na “Longest Career as a Flatulist,” matapos ang mahigit apat na dekada ng propesyonal na pagtatanghal gamit ang kontrolado niyang pag-utot. Taong 1990 nang simulan ni Paul ang kanyang karera bilang flatulist, kung saan siya ay gumagawa ng tunog at musika gamit ang kanyang pag-utot.

Naitampok siya sa iba't ibang palabas sa telebisyon, radyo, at comedy tours sa UK at maging sa ibang bansa. Sa ngayon, patuloy pa rin siyang napapanood sa kanyang YouTube channel at sa mga live performances sa ilang comedy clubs sa UK. | via Kleir Raymundo

K-pop group na BTS, inanunsyo ang pagbabalik sa world stage sa pamamagitan ng bagong album at world tour sa 2026.Sa isan...
02/07/2025

K-pop group na BTS, inanunsyo ang pagbabalik sa world stage sa pamamagitan ng bagong album at world tour sa 2026.

Sa isang livestream, inanunsyo ng grupo na magsisimula na silang mag-focus sa paggawa ng musika ngayong buwan. Ilalabas ang full-group album sa spring 2026, kasabay ng kanilang pagbabalik-tour.

📷: Getty Images & BTS

Address

MBC Building, Star City, CCP Complex, Roxas Boulevard
Pasay City
1307

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Natin Nationwide posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share