
01/06/2025
✅ Bilanggo sa Fake News? Bagong Panukala, Mainit na Usapan!
Pwedeng makulong ang kahit sinong magpakalat ng fake news—kahit sa social media—kung maisasabatas ang inihaing panukala ni Cong. Rufus Rodriguez. Sa ilalim ng kanyang panukala, magiging krimen ang pagpapakalat ng maling impormasyon na makakasira sa reputasyon, makakapagdulot ng gulo, o takot sa publiko.
"Panahon nang papanagutin ang mga taong gumagamit ng kasinungalingan para manira o manlinlang," giit ni Rodriguez.
Maraming netizens ang hati ang opinyon. Dapat ba itong ipasa? O banta ito sa kalayaan sa pamamahayag?
🧐 Anong masasabi mo?
✅
🌐 IBS MEDIA News Service