31/08/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Nitong ika-05 ng Agosto, taong 2025, ay ginanap ang pormal na pagbubukas ng programa para sa Buwan ng Wika. Ito ay may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" na kung saan ay pinaghandaan ng mga g**o sa asignaturang Filipino ng Mataas na Paaralang Rizal. Bilang hudyat sa pagsisimula ng programa ay tinawagan muna ang mga mag-aaral mula sa Ang Rizalian para sa panalangin sa pamatnubay ni Bb. Janessa Amparado na sinundan ng makabayang awitin ni Gng. Paula Mikaela A. Cortes at nagbigay naman ng pambungad na mensahe ang Puno ng Kagawaran ng Filipino na si Gng. Melinda P. Iquin. Para sa paglalahad naman ng layunin ay tinawagan din ang Pangalawang Tagapangulo na si Bb. Melissa G. Galulan. Inanyayahan naman si Gng. Marilyn V. Alarcon para sa paglalahad ng mga patimpalak at programa sa Buwan ng Wika.
Ang mga patimpalak at programang ito ay ang Pagbabaybay na ginawa noong ika-15 ng Hulyo. Sumunod ay ang Masining na Pagkukuwento na ginawa noong ika-24 ng Hulyo. Para sa Paglikha ng Islogan ay ginawa nitong ika-5 ng Agosto. Patimpalak naman para sa Sulkas na isinagawa nitong ika-12 ng Agosto. Talumpating Panghikayat naman nitong ika-14 ng Agosto. Para sa eliminasyon ng Isahang Pag-awit sa Baitang 7 at 8 ay isinagawa nitong ika-19 ng Agosto at para sa Baitang 9 at 10 naman ay nitong ika-20 ng Agosto. Ang Isahang Pag-awit ay nitong ika-27 ng Agosto. Lahat ng patimpalak at programa ay isinagawa sa AVR Filipino at pinamunuan ni Gng. Mary Antonette F. Cerda, tagapangulo ng samahan katulong ang mga g**o ng Departamento ng Filipino gayundin ng mga opisyales ng Samahang Maka-Filipino sa pangunguna ni Jasper Nheytan Pagola, pangulo ng Samahan.
Para sa paglalahad naman ng mga nagwagi sa bawat patimpalak at programa ay ginanap ito noong ika-27 ng Agosto kung saan ay pormal ding sinarado ang programa. Para sa Pagbabaybay ay ang nagwagi ng ikatlong gantimpala ay mula sa 7 - Greece (SPA) na si Chryssler M. Baranda, ikalawang gantimpala ay si Sophia Clarisse A. Flormata sa 7 - Zion (SPA), at si Muffin Ayesha L. Junio naman na nagkamit ng unang gantimpala na muna sa 7 - Gethsemane. Sa paksang Islogan naman ay si Maria Elisha G. Galon na nagwagi ng ikatlong gantimpala na muna sa 7 - Jordan, ikalawang gantimpala naman para kay Rheann Johanna B. Ejercito ng 7 - Cyprus, at ang nagkamit ng unang gantimpala ay mula sa 7 - Greece (SPA) na si Angeline Jhanel B. Geronimo. Sa Masining na Pagkukuwento ay hindi rin magpapahuli ang mga mag-aaral mula sa Baitang 8. Mula sa 8 - Flexible (SPS) na si Gabriel Louise C. Lantan na nakakuha ng unang gantimpala, sumunod si Kayden Blair M. Salvacion ng 8 - Skillful (SPA) na nagkamit naman ng ikalawang gantimpala at ang nagwagi ng ikatlong gantimpala ay mula sa 8 - Optimistic na si Carl John Miguel A. Maningas. Sa patimpalak ng Talumpati Panghikayat ay nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa Baitang 9 na pinanguhan ni Richmond Anthony B. Moog na mula sa 9 - Biak na Bato, pangalawa si Mark Anthony L. Cambalo ng 9 - Mt. Samat (SPA) at pangatlo ay si Yanea Jazz Olayta na mula sa 9 - Cagsawa Ruis. Para sa Sulkas ay nandiyan si Prince Brian I. Salvedia na nakuha ang pwesto ng unang gantimpala na muna sa 10 - Jose Rizal, sumunod si Lhian Marie V. Clemor na nagkamit ng ikalawang gantimpala ng 10 - Mariano Gomez, at ang pangatlo ay si Jaira F. Castillo ng 10 - Francisco Baltazar. At siyempre para sa Isahang Pag-awit naman ay nariyan sina Giannah Mae P. Ayuban mula sa 8 - Approachable na nagkamit ng ikatlong gantimpala, Kassandra Chipungco Tena naman ng 10 - Fernando Amorsolo para sa ikalawang gantimpala, at si Sabrina Kate Raborar naman ng 9 - Corregidor Island na nagwagi ng unang gantimpala. Sa pagtatapos ng programa ay naghandog ng masayang awitin sina Bb. Katherine Aragon at G. Albert Nerveza.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
โ๏ธ: ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐น๐ฒ๐
๐ฎ ๐๐๐ป๐ถ๐ผ, ๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ถ๐ป
๐จ: ๐๐น๐๐๐๐ฎ ๐๐ผ๐น๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ป๐ฒ๐น, ๐๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ฑ๐๐บ๐ถ๐๐ต ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ