10/05/2022
TIPS FOR THE HOMEBUYERS ๐ค MUST READ๐๐๐
FREQUENTLY ASKED QUESTION:
Anu-ano ang mga fees na babayaran ko kapag mag aavail ng house and lotโ
ANSWER:
1. RESERVATION FEE- Ito ang unang binabayaran upang makapili ng block and lot para sa type of unit na gusto mo. Ang RF ay dinededuct sa downpayment o equity.
2. DOWNPAYMENT/EQUITY- Ito ay binabayaran ng INSTALLMENT, pwedeng 6 months term, 12 months o 24 months depende sa status ng construction ng bahay na napili mo kung ito ba ay TO BUILD, ONGOING CONSTRUCTION o PRESELLING. Kung RFO naman ang unit na gusto mo, usually kailangan bayaran ng buo ang DP/EQUITY bago iprocess ang loan mo sa PAGIBIG or BANK.
3. MONTHLY AMORTIZATION OF HOUSING LOAN- Dahil nagloan ka sa PAGIBIG or BANK, ito ay may corresponding monthly amortization depende sa sa term ng loan, sa PAGIBIG ang maximum ay 30 years with 6.375% interest annually (3 years repricing period). Sa bangko naman ay maximum 20 years to pay, ang interest rate ay depende sa bangko kung saan accredited ang developer na kinuhanan mo ng bahay, ito ay nglalaro sa 7 to 8% per annum.
4. MOVE-IN FEES- Ito ay ONE TIME PAYMENT na binabayaran para sa water and electric connection, garbage collection fee, street lights, HOA membership and monthly dues, atbp. May mga developers na walang move in fees, ibig sabihin self application ang pagpapakabit ng kuryente at tubig at pagpapamember para sa HOA at iba pang fees.
5. CONSTRUCTION BOND (REFUNDABLE)- Ito ay kailangan para sa house renovation. Kung ikaw ay may balak na magpaimprove o magpaexpand ng bahay, ang construction bond ang magsisilbing security para sa developer sakaling may matamaang pipelines o may masira sa kapitbahay ang contractor o workers habang ginagawa ang bahay mo. Kung wala naman, ito ay pwede irefund in full.
6. HOUSE INSURANCE- Dalawa ang insurance para sa bahay, ang MRI at FIRE INSURANCE. Usually ito ay naka tuck-in na sa monthly amortization para sa housing loan mo. Ang MRI o Mortgage Redemption Insurance ay proteksyon sa di inaasahang pangyayari, kung sakaling ang principal buyer ay namatay during the term na ngbabayad sya sa loan at updated ang pagbayad, good as paid ang bahay at walang anumang babayaran ang kanyang magiging beneficiary. Ang FIRE INSURANCE naman ay proteksyon sakaling kayo ay masunugan.
7. REAL PROPERTY TAX- Ito ay yearly na binabayaran after matransfer ang title ng property sa owner. But take note ang ORIGINAL NA TITLE AY HAWAK NG PAGIBIG o BANGKO, syempre dahil kayo po ay nagloan naka mortgage po ito. Maaari lamang makuha ang original title kapag tapos na ang iyong loan term.
8. OTHER FEES- These includes processing fees, bank fees and miscellaneous fees. Sa ibang developer, ang processing at misc fees ay kasama na sa TOTAL CONTRACT PRICE at hindi na separate na binabayaran.
Take note na ang mga fees na nasa 1-8 ay hindi sabay-sabay na binabayaran. May TIMELINE para po sa payment dues.
Kapag decided kana mag housing loan pm mo lang aq I'll be happy to assist you up to turn-over of your unit.๐ฅฐ๐ฅฐ๐ฅฐ