08/12/2025
๐๐๐: ๐๐๐ซ๐๐จ๐ฌ ๐๐ญ ๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐จ, ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐
๐ฎ๐ง๐๐ฌ
Nanawagan ang budget watchdog na Social Watch Philippines (SWP) na sina Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. at ang Kongreso ay obligadong ipatupad nang buo ang desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa probisyong nagbigay-daan sa โฑ89.9-bilyong pondo ng PhilHealth na mailipat sa National Treasury.
Sa desisyon ng Korte Suprema, idineklarang walang bisa ang Special Provision 1(d) ng 2025 General Appropriations Act, dahil umano sa grave abuse of discretion. Nakasaad sa ruling na ang probisyon, kasama ng DOF Circular 003-2024, ay ilegal na nagbigay-daan sa paglipat ng pondo na dapat ay nakalaan para sa health insurance.
Ayon kay SWP co-convenor Ma. Victoria Raquiza, malinaw ang utos ng Korte Suprema:
โHindi papasa sa legal scrutiny ang anumang realignment o pooling ng health insurance funds na ilalabas sa tunay nitong layunin.โ
Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng grupo ang bicameral conference committee na iwasang ibalik ang anumang probisyon na magpapahintulot ng kaparehong fund transfer, lalo naโt inaasahang pipirmahan na ng Pangulo ang 2026 national budget sa loob ng isang buwan. Kung umabot man ito sa Office of the President, sinabi ng SWP na dapat itong i-veto ni Marcos.
โฑ60-Bilyong Line Item, Inutos ng SC
Inatasan din ng Korte Suprema ang Kongreso na maglaan ng hiwalay na โฑ60-bilyong line item sa 2026 budget para ibalik ang pondong kinuha mula sa PhilHealth. Dapat umanong ilagay ito bilang premium subsidy para sa indirect contributorsโwalang dagdag na kondisyon o limitasyon.
Ayon naman kay SWP Co-convenor Jessica Reyes-Cantos, hindi dapat manggaling sa taxpayers ang panibagong โฑ60 bilyon:
โAng perang ninakaw ay hindi puwedeng palitan gamit muli ang pera ng taumbayan. Dapat itong singilin sa mga responsable sa illegal fund transfer.โ
Pasasalamat sa SC, Panawagan sa Pananagutan
Pinuri ng SWP ang desisyon ng Korte Suprema sa pagsasabing ito ay tagumpay para sa karapatan ng bawat Pilipino sa kalusugan.
Dagdag nila, kung naantala pa ang ruling, wala sanang malinaw na gabay para panagutin ang mga lumabag sa proseso habang nagaganap ang budget deliberations.
Nanawagan din ang grupo para sa pananagutan ng mga nasa likod ng illegal na pondo transfer, dahil malaking dagok umano ito sa serbisyong pangkalusugan na dapat ay natanggap ng publiko. | via Luanne Peรฑano
December 8, 2025