03/02/2023
HELPING A FRIEND
Ipinapa-auction ng bandang Eraserhead ang isang gitara para sa medication ng gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee, na nakikipaglaban sa sakit na lymphoma-induced pneumonia at kasalukuyang nasa Intensive Care Unit.
Sa kaniyang Instagram account, ipinost ng vocalist ng Parokya na si Chito Miranda ang isang picture kung saan makikita sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Raimund Marasigan, at Buddy Zabala.
Hawak ng mga ito ang isang kulay green na D&D acoustic guitar at pirmado ito ng apat na nabanggit.
Sa kaniyang caption, sinabi ni Chito na sobrang fan sila ng Eheads, lalo na raw sila ni Gab, kung saan si Gab daw ang unang nagparinig sa kaniya ng mga kanta ng Eheads noong third year high school sila at mula noon ay sinubaybayan na niya ito.
Inamin pa ni Chito na ang Eheads ang dahilan kung kaya’t binuo nila ang Parokya, at sa Eheads din sila unang nag-front act noong nagsisimula pa lamang sila, kaya’t naging inspirasyon na nila ito sa lahat ng kanilang ginawa at ginagawa bilang banda.
Sa ginawa umano ng mga ito na pag-o-auction ng isang gitara para sa kanilang kasamahang si Gab ay may bagong dahilan na naman daw sila kung bakit ang Eheads ang kanilang ultimate idol.
Ang nasabing D&D guitar umano ay dinisenyo mismo ni Gab at kaya kulay Green umano dahil paborito nito si Green Lantern.
Ang bidding ay magsisimula bukas, February 4, 2023 sa ganap na alas 12 ng tanghali at magtatagal ito ng 10 araw.
Magsisimula umano ang bid sa halagang ₱50,000 at sa mga interesado ay ipadala lamang ang bid sa [email protected] at lagyan ng subject na Bid para kay Gab.
Narito pa ang ibang detalye para sa mga interesadong mag-bid.
* In the body, indicate your bid, full name, and telephone number
* Each bid will be verified through e-mail or text message
* Incomplete details and unverified bids will not be counted
* There is no limit on how many bids you can send
* Highest bid of the day will be posted at 12mn daily on the Official Parokya FB Page
* The winning bidder will be notified first by e-mail and text message and will have the option to be posted on the Parokya Official FB Page
* No joy bidding please...para di kami mahirapan basahin yung mga email at hanapin yung totoong highest bidder.