02/04/2023
HEALING CRISIS
Detoxifying Process & Healing Crisis While taking IFERN VITAMINS.
Mahalagang maintindihan ng pasyente kung ano ang nangyayari sa proseso ng paglalabas at pagtatapon ng mga toxic chemical mula sa katawan.
Ito ay dahil may mga taong nakakaramdam ng discomfort habang naglilinis ng katawan. Ang iba ay para bang nagkakasakit o bumabalik sa dati nilang sakit. Ito ay mga natural na reaksyon ng katawan.
Bakit may healing crisis ang detoxification?
Noong mga panahon na tayo ay nagkasakit ng dahil sa virus, bacteria, o mga nakakalasong chemical, ang mga perwisyong dayuhan na ito sa ating katawan ay hindi lubos na nawala, bagamat tayo ay gumaling na o nakaramdam na ng ginhawa.
Ang mga residue nila ay naiiwan sa mga taba o fats sa ating katawan. Kaya kung patong-patong na ang layers ng fats sa loob ng katawan, malamang na ang mga residue ay napailalim na nang husto.
Kung sunod-sunod na panahon naman tayong inatake ng mga pesteng ito, posible din na bawat layer ng ating taba ay pinagtataguan ng mga "survivor".
Ano ang epekto nito?
Dahil dito, kapag oras na ng paglilinis, may ilang mga epekto ng organismo at lason na ito ang maaring muli nating maranasan nang bahagya. Ito ay dahil unti-unti silang lumalabas mula sa pagtatago habang ang sobrang taba ng ating katawan ay unti-unti nating itinatapon.
Ilan sa mga pangkaraniwang epekto nito ay ang pagkakaroon ng sipon, ubo, lagnat, pagkahilo, singaw, pagdudumi, depende sa kung anong organismo o lason ang kasalukuyang napapakawalan ng katawan.
Lahat ba ay makakaranas nito?
Ganito ang aking teorya: kung malakas na resistensya mo habang ginagawa ang paglilinis o detoxification, hindi madadaig ng mga pesteng dayuhan ang iyong immune system.
Dahil doon, hindi ka makakaranas ng healing crisis.
Pero kung mahina ang iyong sistema, maaari kang sipunin o ubuhin bilang reaksyon (reflex) ng katawan sa presensya ng cold virus. Posible ka rin mag-LBM dahil sa bacteria na na-release sa tiyan.