
13/03/2025
PAGSIRA NG ADMINISTRASYONG MARCOS SA ISANG LEGASIYA NI FPRRD
Ano na ang kinabukasang naghihintay sa BARMM?
Isa sa mga legasiya ni dating Pang. Rodrigo Roa Duterte ang pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pero ano ang ginawa ng Administrasyong Marcos ngayon sa BARMM?
Noong nakaraang taon, sa isang pagtitipon-tipon sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, napagsama-sama ng mag-asawang Sec. Teng at Governor Bai Mariam Mangudadatu sa iisang entablado ang mga political clan leaders sa Bangsamoro.
Oo, ang mga dating nagbabarilan dahil sa pulitika, magkakatabi at magka-kampi—isang makasaysayang Grand Coalition, Family Alliance.
Kaaya-ayang tingnan para sa mga Moro at Kristyano na nais ng kapayapaan sa Mindanao.
Pero, para sa administrasyong Marcos, tila ito ay isang malaking banta.
Isang malaking puwersa na maaring makahadlong sa kanilang plano laban sa mga Duterte, laban sa sambayanang Pilipino.
Ano ang kanilang ginawa? Nanghimasok. Naki-alam. Nanggulo.
Nagpatawag diumano ng pagtitipon sa Davao City si Special Assistant to the President si Anton Lagdameo. Kasabwat niya umano, ayon sa isang reliable source, ang dating miyembro ng gabinete ni Duterte na si Carlito Galvez, Presidential Adviser on Peace Process nang halos isang dekada. Dito nila kinausap ang mga opisyal ng BARMM at mga ginapang na kasapi ng Family Alliance.
Pinagwatak-watak nila ang Family Alliance na ilang taong binuo ng mga Moro leaders.
Ginamit diumano ni Lagdameo at Galvez ang kanilang mga posisyon upang maka-kimkim ng salapi at mahawakan sa leeg ang BARMM Officials.
Naka-anib pa nila ang isang Sammy Gambar Macacua na may kakaiba at misteryosong kapit sa Malacanang.
Dagdag pa ng nagsiwalat nito, napagtagumpayan na nila ang pagkuha sa bilyon-bilyong LGSF ng Bangsamoro noong nakaraang taon. At gaya ng mga kumakalat na impormasyon, target nila ngayong makuha ang LGSF 2025 upang magamit sa pagpapanalo ng senatorial candidates ni PBBM.