
20/05/2025
DEPRESSION is not a joke🥺💔🕊️ DILI LALIM NGA FULL TIME INAHAN KA, KALISUD UG KALABAD SA ULO WAY KABUTANGAN, LABI NAG MASAKIT ANG MGA BATA UNYA IKAW RA ISA, SIPON UG LUHA MAG ABOT, UNYA EASY RA KAAYO HUNAHUNAON NGA UG NAA SA BALAY HAYAHAY??? APEKTADO PAKA EMOTIONALLY?DAMAY TANAN PAG MAONAY MA APEKTAHAN 🥹PASALAMAT LANG JUD MO SA MGA INAHAN NGA GINAKAYA MASKIN MUNA MUNA NA MAGPAKA STRONG PA GYUD SA SITWASYON🙏🙏🙏
SA ISANG IGLAP LANG NAMATAY ANG 3 KA BATA NADAMAY PA TAWON WALA NA NAKAYA SA ILAHANG INAHAN🥹
Isang paalala sa ating mga ina: gaano man kabigat ang pinagdaraanan sa buhay, huwag nating kalimutang lumapit at humingi ng gabay sa Panginoon. Sana’y maiwasan ang ganitong mga pangyayari—nakakadurog ng puso ang makita ang mga inosenteng batang nadadamay, wala pa silang muwang sa mundo.
📷Ctto
MALOURDES rosales ✍️🖋️
ito po ang imbistegasyon ng mga pulis may alitan na pala ang mag asawa bago paman ang yare..... 👇👇👇👇
Ina, 3 anak patay sa sunog sa Sta. Maria, Bulacan
— Pat@y ang 28-anyos na ina at kanyang tatlong anak na lalaki edad isa, tatlo, at anim matapos ang insidente ng sunog sa Bgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan, umaga nitong Huwebes, Mayo 15.
Kwento ng kapitbahay ng mga biktima, nakita niya pang lumabas ng bahay ang ina ng mga bata bago ang pangyayari.
“May dalawang tao na po na nagsisigaw dito na may sunog po, may sunog. Paglingon ko, umuusok na. Nagtulong-tulong na po silang giniba ‘yong gate,” saad ng kapitbahay.
“Nagtulong-tulong po kami mag-ano [kumuha] ng tubig tapos nagkuha na po ako ng kumot na nag-ano [taklob] sa bata kaya lang ang bata hindi makita-kita kasi madilim sa loob,” aniya.
Wala rin umano sa bahay ang padre de pamilya dahil pumasok sa trabaho sa Batangas.
Naka-lock pa umano ang pinto ng bahay kaya’t nagpasya na ang magkakapitbahay na sirain na ang lock ng pinto.
Kwento ng isa sa mga rumesponde, una nilang nakita ang sunog at wala nang buhay ang isang taong gulang na batang lalaki na nasa higaan.
Natagpuan naman nila sa loob ng banyo ang dalawa pa nitong kapatid na lalaki.
“Ang mismo pong nakarga ko noon, ‘yong pangalawa po. ‘Yong kinarga ko po siya habang nasa loob, umiiyak pa po kasi po naririnig ko pa po ‘yong pintig ng puso niya kaya wala na rin po akong magawa noon,” kwento ng rumesponde.
Nadala pa sa ospital ang dalawang bata at ang kanilang ina pero kinalaunan ay binawian din ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, may nakitang posporo at dalawang bote ng paint thinner sa loob ng bahay ng mga biktima.
“‘Yong initial investigation po namin, ang findings namin diyan, ‘yong mismong bata ang nasunog. Kumbaga nadamay lang ‘yong higaan niya. Malakas po ‘yong probability na, siyempre hindi naman siya magsisindi na walang open flame… Dito po nakita namin na parang secondary lang po ‘yung burning ng property. ‘Yung tao lang po talaga ‘yung unang sinunog,” saad ni SFO3 Alfredo Hernandez, Chief Fire Investigator ng Sta. Maria BFP.
Ayon kay Kapitan Potenciano Lorenzo ng Barangay San Vicente, madaling araw bago ang sunog, dumulog sa kanilang tanggapan ang ina ng mga bata upang ipa-blotter ang problema nilang mag-asawa.
“Bago ‘yon, nag-blotter ang babae noong gabi at may patawag at paghaharapin po sana namin pero hindi na nangyari dahil kinabukasan, ito na ‘yong bumungad sa amin na nagkaroon na ng sunog… Personal problem nila,” saad ni Lorenzo.
Source : ABS-CBN News