02/10/2025
๐๐จ๐ ๐๐ก๐๐ฅ๐: ๐๐ด๐ป๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐, ๐๐น๐น๐๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐ โ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐น๐ฒ ๐๐ถ๐ด๐ต๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐๐น๐ฎ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ฏ๏ธ๐ฑ
Matagumpay na idinaos ng Psyche Infinitum Association ang Pinning at Candle Lighting Ceremony ng Batch Luminara noong Oktubre 1, 2025, sa Arellano University โ Andres Bonifacio Campus Gymnasium.
Tampok sa pagtitipon ang makabuluhang seremonya ng pagsisindi ng kandila, sagisag ng liwanag, kaalaman, at pag-asa ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa larangan ng Sikolohiya. Ang Pinning Ceremony naman ay nagbigay-diin sa kanilang pagtanggap sa hamon ng propesyon, kasama ang pangakong magsilbi nang may malasakit, dignidad, at integridad.
Higit pa sa isang tradisyon, ang pagtitipon ay patunay ng tapang at determinasyon ng bawat miyembro ng Batch Luminara. Sa temang โ๐๐จ๐ ๐๐ก๐๐ฅ๐: ๐๐ด๐ป๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐, ๐๐น๐น๐๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐,โ muling itinaguyod ng mga estudyante ang kanilang pangakong maghatid ng positibong pagbabago at inspirasyon sa lipunan.
Ang Pinning at Candle Lighting Ceremony ng Bachelor of Arts in Psychology Class of 2026 ay patunay ng kanilang tapang, dedikasyon, at handang paglilingkod bilang mga susunod na Sikolohista ng bayan.
Ulat ni Archel Bad-e Aguilar