Dear Mare

Directions

Dear Mare Dear mare, alam mo na ba?

CARLOS YULO, NASUNGKIT ANG GINTONG PANGARAP 🏆✨️​Muling naghatid ng magandang balita ang Olympic gold medalist at gymnast...
24/09/2026

CARLOS YULO, NASUNGKIT ANG GINTONG PANGARAP 🏆✨️

​Muling naghatid ng magandang balita ang Olympic gold medalist at gymnast na si Carlos Yulo matapos masungkit ang panibagong gintong medalya sa ginanap na Asian Games 2026.

​Sa isang viral video update, nakisayaw si Caloy kasama ang kanyang kasintahang si Chloe San Jose at kapatid na si Eldrew Yulo sa viral song ng singer na si Lyca Gairanod na "Puede Nang Mangarap."

"Dreams really do come true, and it’s through HIM." caption sa naturang video na inulan ng pagbati at pang-aasar sa umano'y "team lozartan," mula sa netizens.








IBA PA RIN ANG TUNAY, WALANG HALONG AI 💅❤️Viral sa social media ang panibagong pasabog ng mag-asawang content creator na...
22/09/2026

IBA PA RIN ANG TUNAY, WALANG HALONG AI 💅❤️

Viral sa social media ang panibagong pasabog ng mag-asawang content creator na sina Hajie Alejandro at Lenie Aycardo para sa kanilang bersyon ng viral "80s trend".

​Sa halip na gumamit ng Artificial Intelligence (AI) filters at apps, totoong outfits, styling, at props ang ginamit ng mag-asawa para makuha ang nostalgic at authentic retro vibe.

"Kaya pala ng walang AI magastos lang 😭😂," hirit ni Hajie sa kanyang post na mabilis na pinusuan ng online community dahil sa kanilang effort at nakatutuwang konsepto.

​📸: Hajie Alejandro/Facebook







KINILIG NA BA ANG LAHAT? 😍Ibinahagi ng aktres na si Bianca de Vera ang ilang sweet na photos kasama ang ka-loveteam at a...
18/09/2026

KINILIG NA BA ANG LAHAT? 😍

Ibinahagi ng aktres na si Bianca de Vera ang ilang sweet na photos kasama ang ka-loveteam at aktor na si Dustin Yu.

📸: Bianca/Instagram






RENE BATERBONIA COLLECTIBLES, FAMILY MERCH, IBINIBENTA NG INA NG YUMAONG ATLETAViral at mainit na pinag-uusapan sa onlin...
17/09/2026

RENE BATERBONIA COLLECTIBLES, FAMILY MERCH, IBINIBENTA NG INA NG YUMAONG ATLETA

Viral at mainit na pinag-uusapan sa online community ang diskarte ng ina ng yumaong student-athlete na si Rene Baterbonia matapos nitong maglabas at magbenta ng iba't ibang kakaibang collectibles ni Rene.

​Kabilang sa mga iniaalok na paninda ay ang mga personal photo albums na nagkakahalagang ₱2,000, baby t-shirts na may kasamang QR code sa halagang ₱1,000, at mga ref magnet na may mukha ni Baterbonia at kanilang mga family picture.

Mabilis na kumalat ang mga post sa iba't ibang social media platforms, kung saan nakakuha ito ng napakaraming reaksyon at komento mula sa mga nakatutok na netizens.





PH CULTURE, PAGKAING PINOY, BIDA SA BAGONG ANIMATED MOVIE NA 'FORGOTTEN ISLAND'Umapaw ang Pinoy pride sa online communit...
17/09/2026

PH CULTURE, PAGKAING PINOY, BIDA SA BAGONG ANIMATED MOVIE NA 'FORGOTTEN ISLAND'

Umapaw ang Pinoy pride sa online community matapos ilabas ng Universal Pictures sa kanilang official YouTube channel ang isang extended graduation clip para sa highly-anticipated animated movie na 'Forgotten Island.'

​Sa ibinahaging teaser ng pelikula, tampok ang napakaraming iconic Pinoy values, nakatutuwang gawi sa family gatherings, at ang hindi mawawalang karaoke session.

Hindi rin nawala sa hapag-kainan ang paboritong Lechon at iba pang tradisyunal na pagkaing Pilipino.

Nakatakda namang mapanood ang pampamilyang animated film na ito sa mga lokal na sinehan simula Setyembre 25.

​📸: Universal Pictures/YouTube







KIM CHIU, KINILALA BILANG 'BEST GLOBAL STAR' SA 2ND IMBC AWARDS SA SOUTH KOREA ​Patuloy ang pag-arangkada ng tinaguriang...
14/09/2026

KIM CHIU, KINILALA BILANG 'BEST GLOBAL STAR' SA 2ND IMBC AWARDS SA SOUTH KOREA

​Patuloy ang pag-arangkada ng tinaguriang Chinita Princess na si Kim Chiu matapos siyang mag-uwi ng panibagong international honor bilang "Best Global Star" sa ginanap na 2nd iMBC Awards sa South Korea.

​📸: Mark Dookie Ducay via Instagram ()







BARBIE IMPERIAL, RICHARD GUTIERREZ, PASABOG SA GQ PHILIPPINES LAUNCH​Nagpasabog ng ganda at alindog ang Kapamilya actres...
14/09/2026

BARBIE IMPERIAL, RICHARD GUTIERREZ, PASABOG SA GQ PHILIPPINES LAUNCH

​Nagpasabog ng ganda at alindog ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa ginanap na opisyal na paglulunsad ng GQ Philippines.

​Sa kanyang social media update, ibinahagi ni Barbie ang kanyang mga nakatutuwang larawan kung saan suot ang kanyang stunning backless black gown.

Bukod sa kanyang solo head-turner poses, ipinasilip din ng aktres ang kanyang mga sweet snaps kasama ang aktor na si Richard Gutierrez at ang kanilang malalapit na kaibigan.

Mabilis na inulan ng paghanga at fire emojis mula sa netizens ang kanyang regally dark at eleganteng aura.

​📸: Barbie Imperial/Instagram







MAAANGHANG NA SAGUTAN NINA CHLOE SAN JOSE, LOLA NI CARLOS YULO, PINAGPIYESTAHAN ONLINE​Hindi napigilan ng online communi...
13/09/2026

MAAANGHANG NA SAGUTAN NINA CHLOE SAN JOSE, LOLA NI CARLOS YULO, PINAGPIYESTAHAN ONLINE

​Hindi napigilan ng online community ang mag-iwan ng "haha" reactions sa bawat linyahan at palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng kasintahan ng atletang si Carlos Yulo na si Chloe San Jose at ng lola ng una sa social media.

​Mabilis na naging sentro ng tawanan, memes, at panunukso ng netizens ang patuloy na sagutan ng dalawa.









BELLE MARIANO, NAG-ALA 'WEST COAST DARLING' SA CALIFORNIA ​Bumuhos ang libo-libong heart at fire emojis sa comment secti...
09/09/2026

BELLE MARIANO, NAG-ALA 'WEST COAST DARLING' SA CALIFORNIA

​Bumuhos ang libo-libong heart at fire emojis sa comment section ng aktres na si Belle Mariano kasunod ng pag-upload niya ng kanyang aesthetic West Coast photos.

​Kanya-kanya namang paghanga ang ipinaabot ng netizens sa kanyang effortless look at OOTDs habang namamasyal sa Palm Springs at Hollywood.

​📸: Belle Mariano/Instagram








'HINDI NA 'TO AI!': LITRATO NG ANAK NI ALEX GONZAGA, KINAGILIWAN ONLINE 👀👶🏻Umapaw ang gigil at love emojis sa social med...
08/09/2026

'HINDI NA 'TO AI!': LITRATO NG ANAK NI ALEX GONZAGA, KINAGILIWAN ONLINE 👀👶🏻

Umapaw ang gigil at love emojis sa social media matapos maglabas ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga ng mga cute photos kasama si Baby Isaac at asawang si Mikee Morada para sa 1st month celebration ng kanilang anak.

Kanya-kanyang panunukso at saya ang ipinaabot ng netizens para sa bagong magulang, habang ang ilan ay natuwa sa signature humor ni Alex sa kabila ng emosyonal nitong milestone.

"Hindi na ’to AI, totoo na ’to hehehe," biro pa ni Alex sa kanyang caption.

📸: Alex Gonzaga/Instagram









Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dear Mare posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share