12/09/2026
BABALA SA MGA NAKIKIPAG-TRANSACT SA GCASH! ⚠️
HUWAG NA HUWAG IPAPAHALAT SA KA-TRANSACT ANG INYONG CELLPHONE, lalo na kung may GCash transaction!
Sa isang video, makikita umano na hinayaan ng isang customer na ang ka-transact niya mismo ang magkalikot sa kanyang GCash account. Lingid sa kanyang kaalaman, maaari palang nagamit ang OTP o transaction details para sa isang transaksyon na konektado sa Lazada.
Tandaan: Kapag ibang tao ang humawak at gumamit ng inyong account, kayo ang maaaring maabala o managot kapag may kahina-hinalang transaksyong nangyari.
🔐 SAFETY REMINDER:
✅ Kayo mismo ang mag-type ng OTP.
✅ Huwag ibigay ang OTP, MPIN, PIN o password kahit kanino.
✅ Huwag hayaang ibang tao ang mag-operate ng inyong GCash.
✅ Suriing mabuti ang bawat transaction bago i-confirm.
✅ Kung may kahina-hinalang galaw, agad i-secure ang account at makipag-ugnayan sa opisyal na customer support.
Isang simpleng pagkakamali, maaaring malaking problema ang kapalit.
I-SHARE para maging aware ang iba!
Ikaw, papayag ka bang ibang tao ang humawak ng cellphone mo habang may GCash transaction?