Page ni Anot

Page ni Anot Just do good ❤

07/03/2026

Israel today

05/03/2026
KAPAG AKO AY MATANDA NA AT NAG-UUNYANINNais kong ipaskil ng aking pamilya ang listahang ito sa dingding kung saan ako na...
03/11/2025

KAPAG AKO AY MATANDA NA AT NAG-UUNYANIN

Nais kong ipaskil ng aking pamilya ang listahang ito sa dingding kung saan ako nakatira
Nais kong lagi nilang alalahanin ang mga bagay na ito:

*Tuwing papasok ka sa silid, magpakilala ka muna.
Sabihin mo: “Hi Tay – ako ito, si Anot.”
Huwag na huwag mong itatanong, “Kilala mo ba ako?” — nakakapagdulot ito ng kaba.

• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, gusto kong tanggapin ng aking pamilya at mga kaibigan ang realidad ko.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at iniisip kong pupunta tayo sa hapunan kina Nanay at Tatay, hayaang paniwalaan ko iyon. Mas magiging masaya ako.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, huwag mo akong kontrahin tungkol sa kung ano ang totoo para sa’yo at sa akin.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at hindi kita makilala, huwag mong dibdibin. Nalilito lang ako sa oras at alaala.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at hindi ko na magamit ang kubyertos, huwag mo akong subuan agad. Subukan mong ibigay sa akin ang mga pagkaing kaya kong hawakan at kainin mag-isa.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at nalulungkot o nag-aalala, hawakan mo ang kamay ko at makinig. Huwag mong sabihing walang dahilan ang nararamdaman ko.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, ayokong tratuhin na parang bata. Ka-usapin mo pa rin ako bilang isang matandang nakakaunawa.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, gusto ko pa ring magawa ang mga bagay na dati kong kinagigiliwan. Tulungan mo akong mag-ehersisyo, magbasa, at makipagkita sa mga kaibigan.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, tanungin mo ako tungkol sa mga kuwento ng aking nakaraan.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at nagiging balisa ako, unawain mo muna kung ano ang dahilan.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, tratuhin mo ako gaya ng gusto mong tratuhin kung ikaw ay nasa kalagayan ko.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, siguraduhin mong may mga paborito kong meryenda sa bahay. Kahit ngayon, nagagalit ako kapag gutom, lalo na kung hindi ko na maipaliwanag kung ano ang gusto ko.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, huwag ninyong pag-usapan ako na parang wala ako sa silid.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, huwag kang manghinayang kung hindi mo ako kayang alagaan araw at gabi. Hindi mo kasalanan iyon. Ginawa mo na ang makakaya mo. Humanap ka ng tutulong, o ng maayos na lugar kung saan ako magiging ligtas at may mga aktibidad!
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at nakatira sa isang pasilidad ng mga tulad ko, dalawin mo ako palagi.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, huwag kang mainis kung napagpapalit ko ang mga pangalan, pangyayari, o lugar. Huminga ka muna nang malalim. Hindi ko kasalanan.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, siguraduhin mong lagi kong naririnig ang mga paborito kong tugtugin.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin at mahilig akong magbitbit ng mga bagay, tulungan mo akong ibalik ang mga ito sa tamang lugar.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, huwag mo akong ihiwalay sa mga salu-salo o pagtitipon ng pamilya.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, tandaan mong gusto ko pa rin ang mga yakap at paghawak ng kamay.
• Kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin, alalahanin mong ako pa rin ang taong minahal at nakilala mo noon.
*Alalahanin mo sanang minahal na kita sa unang araw pa lang ng isinilang ka sa mundo, tandaan mo sana ito anak, kapag ako ay matanda na at nag-uulyanin na😥

Magandang araw mga lods thanks sa nag-isponsor may silver na po❤
19/10/2025

Magandang araw mga lods thanks sa nag-isponsor may silver na po❤

Gulat si kuya uh parang ngayon lang sya nakakita ng kachat😂😁
16/10/2025

Gulat si kuya uh parang ngayon lang sya nakakita ng kachat😂😁

Hindi kilangang busog pag dinner, pizza and after 15minutes a glass of parsley ginger tea is enough 👉  👉❤
16/10/2025

Hindi kilangang busog pag dinner, pizza and after 15minutes a glass of parsley ginger tea is enough
👉 👉❤

Ano ang nasa loob ng kamay ko ???
15/10/2025

Ano ang nasa loob ng kamay ko ???

Tuloy parin ang nasimulan , pipili sa pu❤
15/10/2025

Tuloy parin ang nasimulan , pipili sa pu❤

Good morning mga kahula hunters ❤
12/10/2025

Good morning mga kahula hunters

Address

Mexico Street, Villa Raymundo Centinial 2, Pinagbuhatan
Pasig
1602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Page ni Anot posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share