
10/06/2025
𝗦𝗔𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗴𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆!🫡
Tayo ay naging bahagi ng YORP Advocacy Blueprint Seminar-Workshop na inorganisa ng Pasig City Youth Development Council (PCYDC) noong June 7–8, 2025 sa Hortz Hotel and Resort, Tagaytay kasama ang ating org President, Engr. George Bryll, Org Ambassador Ms. Marnela Baldoza na kasalukuyang Vice Chairperson ng COP Education at ang ating mga active members na sina Mr Ivan Cutara, Mr John Mark Oroceo at Mr Geomer Mista.🌿✨
Sa loob ng dalawang araw na workshop, ang ating mga representatives ay nakakuha ng bagong kaalaman, makabuluhang aral, at mga tools para mas mapatatag ang aming adbokasiya at mas mapaglingkuran pa nang maayos ang aming komunidad. 🙌
Maraming salamat sa PCYDC sa patuloy na pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga youth organizations na katulad namin. Dahil dito, mas lalong tumibay ang aming paniniwala na kabataan ang pag-asa ng bayan—at kabataan din ang kikilos para sa pagbabago. 💙
Tuloy-tuloy lang tayo sa pagtutulungan at pagbuo ng makabuluhang pagbabago—isang adbokasiya sa bawat hakbang. 🤍✨
Together, we build the blueprint for change.