Ms. A

Ms. A engagement 😊is the best in organic

"Mga worship songs na ang pinakikinggan ko!" 🙏🏻 - Zeinab Harake ParksAraw-araw tumutok sa inyong pambansang morning show...
19/06/2025

"Mga worship songs na ang pinakikinggan ko!" 🙏🏻 - Zeinab Harake Parks

Araw-araw tumutok sa inyong pambansang morning show kung saan laging una ka–

14/06/2025

Count me in

'MOMENTS IN SEGOVIA' 🌤Ibinahagi ni Kendra Kramer ang ilang larawan mula sa kanilang family vacation sa Segovia, Spain.📷:...
13/06/2025

'MOMENTS IN SEGOVIA' 🌤

Ibinahagi ni Kendra Kramer ang ilang larawan mula sa kanilang family vacation sa Segovia, Spain.

📷: Kendra Kramer/Instagram

Because she symbolizes Hope. That suffering isn't forever. That those who may have been hurt, can be happy again.
10/06/2025

Because she symbolizes Hope. That suffering isn't forever. That those who may have been hurt, can be happy again.

10/06/2025


゚viralシ ゚

Grabe. Nabigla talaga ako sa balitang ’to.Isang ina. 47 years old. Pinat*y niya ang kanyang anak na si Esteban—isang bat...
04/06/2025

Grabe. Nabigla talaga ako sa balitang ’to.

Isang ina. 47 years old. Pinat*y niya ang kanyang anak na si Esteban—isang batang may autism—at pagkatapos, nagpakam*t*y.

Before she did it, she wrote a letter to her husband, Fernando Cuello. And in that letter, she poured out everything she had kept inside—yung sakit, yung pagod, yung pakiramdam ng pag-iisa.

She said:

“Now you’ll be able to live your life, you won’t have to travel anymore. All I asked for was a hug for Esteban and me, a kiss in the morning before you went to work. We didn’t ask for much… We won’t beg you for more. You’ll remember us for the rest of your life.”

That line broke me.
All she wanted was presence. A hug. A kiss. A little love.

Pero sa kakulangan ng suporta, ng yakap, ng malasakit—she collapsed under the weight of it all.

This isn’t just about one tragic story. This is about so many mothers, na araw-araw lumalaban nang mag-isa. Walang tulong. Walang pahinga. Walang karamay.

We don’t talk about that enough—mental health, emotional abandonment, the quiet suffering inside homes.

Hindi kailangan ng grand gestures. Minsan, all someone needs is a hug. A little effort. A sign na hindi sila invisible.

Kaya kung may kilala kang pagod, tahimik, at tila nawawala na sa sarili—kumustahin mo. Yakapin mo. Pakinggan mo.

Sometimes, that’s all it takes to save a life.

(Reference from AmoMamacom)

Kurot Principle ✨Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I wi...
02/06/2025

Kurot Principle ✨

Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…

Pinoy vs. Chinoy Businessman

May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.

Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.

So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!

Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!

A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!

Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”

Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.

It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!

After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!

Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!

Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba?

Isang Kahig, Isang Tuka

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.

What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!

Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.

Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.

Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.

Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.

The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.”

FREE FINANCIAL TIPS: https://youtu.be/ScyR_xWiCT0

Ccto

"Wala akong budget para sa kabit.”At wala rin akong oras, lakas, o konsensiya para sa kasinungalingan, pagtataksil, o pa...
01/06/2025

"Wala akong budget para sa kabit.”

At wala rin akong oras, lakas, o konsensiya para sa kasinungalingan, pagtataksil, o panloloko.

Mas pinipili kong ipaubaya sa asawa ko ang pamamahala ng aming pinansyal na responsibilidad, hindi dahil ako’y mahina, kundi dahil malinaw sa akin kung sino ang kasama ko sa lahat ng hirap at tagumpay. Siya ang nag-aalaga sa aming mga anak, nagbibigay-lakas tuwing ako'y pagod, at nananatiling matatag kahit ako'y nagkakamali.

Ang tunay na lalaki ay hindi kailangang patunayan ang kanyang sarili sa ibang babae. Ang tunay na lalaki ay marunong tumupad sa kanyang pangako, hindi lang sa simbahan kundi araw-araw, sa simpleng mga bagay: sa pag-uwi sa oras, sa pagyakap tuwing may problema, sa pakikinig kahit pagod.

"Ang pagkakaroon ng kabit ay hindi karangalan, ito ay pagkukulang."

"Ang pagiging tapat ay hindi kahinaan, ito ay tapang at disiplina."

"Ang isang masayang pamilya ay hindi aksidente. Ito ay resulta ng pagpili sa tama, araw-araw."

Kaya’t hindi ako nahihiyang sabihing asawa ko ang may hawak ng aming pera dahil pamilya ko ang aking yaman, at sa kanya ko buong-buo itong ipinagkakatiwala.

Pinoprotektahan ko ang aming tahanan, hindi sa pamamagitan ng kayabangan, kundi sa pamamagitan ng katapatan.

•Ian Veneracion

Photo: Ian Veneracion IG

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Reynaldo Merciditha, Ivhey Jhane
31/05/2025

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Reynaldo Merciditha, Ivhey Jhane

Be matured both HINDI LARO ANG MAGPAMILYA!!Kailangan dyan mahal mo at kaya mong panindigan. Hindi pwede yung pag nahirap...
31/05/2025

Be matured both

HINDI LARO ANG MAGPAMILYA!!

Kailangan dyan mahal mo at kaya mong panindigan. Hindi pwede yung pag nahirapan kana buhayin sila aayaw kana, pag naramdaman mo na nasasakal kana dahil may mga bagay na hindi mo na nagagawa eh tatakbuhan mo sila.

Kapag may nakita ka mas maganda at seksi eh pagpapalit mo na. Tandaan mo lahat iiwan mo, lahat tatalikuran mo, bisyo, tropa at ibp.. pati nga sarili mo halos hindi mo na iintindihin, pag may pamilya kana sila na ang lahat. Kung may sumobra lang yun ang para sayo.

Hindi laro yan na pag pagod kana o sawa kana eh pwede mo ayawan, may buhay at pakiramdam yan, responsibilidad mo yan kahit pa dumating ang unos o tukso. Wag ka susuko ipaglaban mo sila. Wag mo pagpapalit kahit saan at kanino. Binuo mo yan, wag mo sisirain. Kaya saludo para sa lahat ng matinong ama, hindi madali pero hindi umaayaw.

BE MATURED ENOUGH BE A MAN. 🧠

Address

Pasig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ms. A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share