04/06/2026
MAY BAHAGHARI SA BAWAT LIPUNAN 🌈
Tuwing Hunyo, ipinagdiriwang natin ang Pride Month hindi lang bilang selebrasyon, kundi bilang protesta at panawagan para sa pagkakapantay-pantay ng LGBTQ+ community.
Flashback sa taong 1996, ipinagdiwang sa Pilipinas ang makasaysayang “Solidarity ’96”, ang kauna-unahang major Pride March sa Southeast Asia. Nandoon ang Probe Team para pakinggan ang iba’t ibang kwento at perspektibo tungkol sa komunidad.
Lumipas na ang 30 taon, patuloy pa rin ang pagkaantala ng mga batas na dapat ay nagpoprotekta sa kanila.
Mula sa Probe Archives, balikan ang “Out of the Closet.”