22/07/2025
Sya yung lalaking nagligtas sa bata na nahulog sa ginagawang kalsada sa ison site De Gloria Extension Batasan Hills Quezon City kahapon.
Biglaan lang raw ang pangyayari, hindi raw namalayan ng tatay na sumunod pala sa kanya ang bata dahil magsusundo pa raw ng isa pa nyang anak. Kaya naman nahulog sa rumaragasang baha sa malalim na bahagi ang bata at agad namang tumalon ang tatay para sagipin ang anak, ngunit nahirapan din sya dahil sa lakas ng tubig baha, mabuti na lang ay tumulong din yung dalawang lalaki na parehong naka p**a na short kaya nailigtas ang bata, Saludo po kami sa tatay ng bata dahil hindi dalawang isip na tumalon sa delikadong sitwasyon mailigtas lang ang kanyang anak, talagang gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak. Dun sa dalawang lalaki naman na parehong naka p**a na short maraming salamat din po dahil alerto kayo at nasagip nila ang bata, nahila kaagad at hindi tuluyang naanod, Tunay nga na likas sating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa at sa oras ng sakuna ay nangingibabaw ang kabayanihan.
Sa tatay ng bata we are so proud of you,
sa dalawang lalaki naman na nakap**ang short kung sino ka man kayo maraming salamat sa ginawa nyong kabayanihan, Saludo po kami sa inyo God bless at mabuhay kayo.