21/09/2025
Sa video, si Goma parang hindi congressman — mas mukha pa ring artista na hindi makamove on sa dati niyang role. Scripted ang kilos, rehearsed ang mga sagot, pero pagdating sa seryosong tanong, biglang sablay. Ang tao naghahanap ng malinaw na paliwanag kung bakit sablay ang mga proyekto at bakit may bahid ng anomalya, pero ang naibibigay ni Goma ay acting rehearsal.
Flood control, pondo, at corruption ang isyu, pero ang dating ng performance niya parang audition tape lang. Puro ngiti, pa-pogi, pa-eksena, pero walang substansya. Eh Cong, hindi puwedeng sagutin ng “hindi ko alam” at isipin na tapos na ang pelikula. Kasi sa totoong buhay, hindi fans ang kaharap mo — kundi mga taong pinaglilingkuran mo.
At kung ganito lang din ang kalidad ng “acting” mo sa pulitika, baka mas bagay na bumalik ka na lang sa showbiz. Doon kahit puro arte, may nanonood pa. Dito, malinaw na — hindi leading man, kundi comedian na napasama sa maling genre.