NeroDaze

NeroDaze Like and Share our posts. Sometimes, words that cannot be spoken out find their way through writing.

There'll be a time when reload will not be an option.
04/11/2021

There'll be a time when reload will not be an option.

13/03/2021
"Paano natin pananatilihin ang apoy kapag dumating ang taglamig kung ngayon palang wala na tayong maigatong?"
31/08/2020

"Paano natin pananatilihin ang apoy kapag dumating ang taglamig kung ngayon palang wala na tayong maigatong?"

Patawad, pero aalis na muna ako. Hindi ko maipapangako ang eksaktong araw ng aking pagbalik, o kung babalik pa ako. Mara...
01/12/2019

Patawad, pero aalis na muna ako. Hindi ko maipapangako ang eksaktong araw ng aking pagbalik, o kung babalik pa ako. Marahil ay oo, baka magbago ang isip ko. Maaaring bumalik ako, pero hindi ko maipapangakong para sa iyo.

Hindi kita masisisi kung ikaw ay mangangamba na baka piliin kong bumalik para sa iba sa halip na manatili sa iyo. Patawad kung hindi ako naging sapat. Patawad kung hindi ko naramdaman ang halaga ko sa'yo kaya kinailangan kong umalis. Baka nga ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Masyado kong sinanay ang aking sarili sa mga away na iyong sinisimulan araw-araw. Oo, natatakot akong dumating ang araw na ito, pero nandito na tayo.

Huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili. Hindi lahat ng nagmamahal ay nananatili. Dahil ang mga totoong umiibig ay marunong magparaya. Marunong yumakap sa sakit, makipaglaplapan sa kirot hanggang sa magmanhid na ang kanilang mga labi. Hindi ako lumayo para sumuko, dahil lumayo ako para maging lubusan kang masaya. Mahal kita, pero paalam na muna.

Patawad kung kinailangan mong umalis dahil hindi ako naging sapatMarahil ay marami nga ang kulang sa akin kaya ka lumisa...
18/08/2019

Patawad kung kinailangan mong umalis dahil hindi ako naging sapat

Marahil ay marami nga ang kulang sa akin kaya ka lumisan

Pero pangako, sa sunod nating pagkikita ay babatiin parin kita

Itatanong kung kumusta kana ba at magpapasalamat sa lahat

Dahil noong gabing ako'y nilisan mong luhaan, aking sarili'y natutunan kong pahalagahan

22/06/2019

"Aalis na muna ako..."

Panandaliang namayani ang katahimikan pagkabigkas mo ng mga salitang iyon. Hindi ko agad makapa ang tamang emosyong dapat kong maramdaman. Napaisip ako ng maigi kung dapat ba akong malungkot dahil aalis kana o kung dapat ba akong matuwa dahil sa salitang "muna" na maaaring hudyat ng muli mong pagbalik.

Bago ka tuluyang lumabas ng pinto ay naramdaman ko ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. Nakaramdam ko ng takot. Takot na baka aalis ka muna dahil may kailangan kang balikan. Na baka hindi kana bumalik sa akin.

Wala na tayong panahon para unawain ang damdamin ng isa't-isaNi hindi na natin mabigyang pansin ang pag-ibig na dahan-da...
18/05/2019

Wala na tayong panahon para unawain ang damdamin ng isa't-isa
Ni hindi na natin mabigyang pansin ang pag-ibig na dahan-dahang nawawala
Baka nga sadyang dapat na nating tanggapin
Na kung anuman ang ating nasimulan ay kailangan na nating tapusin

At some point in our lives, we will realize how tough we'd been for the people we treasure. Regardless of the steps we m...
15/05/2019

At some point in our lives, we will realize how tough we'd been for the people we treasure. Regardless of the steps we made, right or wrong, we tried to keep their flame burning as beautiful and bright as it can be while we fail to notice that our own fire was slowly dying.

"Pahinga"Masyado na tayong nasanay sa mga alitan araw-arawSinimulang kilig dulot ng pag-ibig ay kay hirap nang matanawBa...
14/05/2019

"Pahinga"

Masyado na tayong nasanay sa mga alitan araw-araw
Sinimulang kilig dulot ng pag-ibig ay kay hirap nang matanaw
Baka nga mali na itong ipinaglalaban natin
Baka nga mali na ito'y patagalin pa at pahabain

Hindi na ngiti at kilig ang natatanaw natin sa dulo
Kundi mga sisihan, pagdududa at mga luhang tumutulo
Masaya pa ba tayo sa isa't-isa?
Sakin ba'y masaya ka pa?

Tila tuluyan nang nawala ang tamis ng ating pagmamahalan
Ligaya noong simula ay di na natin maramdaman
Waring nabaon na lahat ng pangako
Sumama na sa hangin, naparam at naglaho

Madalas na tayong magkasakitan
Hindi man natin aminin, ngunit ating relasyo'y hindi maayos na naalagaan
Mas nangibabaw na ang mga di pagkakaunawaan
Kaysa tamis ng dating pagsusuyuan

Tutuloy pa ba tayo?
Ilalaban pa ba natin 'to?
Nahihirapan na tayo
Pagod na tayo pareho

Pag-ibig pa bang matatawag
Kung ang bawat yakap sa gabi' y unti-unti nang lumuluwag?
Palagay ko'y magiging masakit sa ating paroroonan
Hindi dahil sa pagdurusa, kundi dahil sa mga bagay na ating pagsisisihan

Matagal-tagal narin noong huli tayong ngumiti
Madalas ay puro away, kirot at hapdi
Mga puso'y sumisigaw
Huwag muna tayong bumitaw

Ngunit sadyang maligalig ang tadhana
Pinipilit tayong magpahinga muna
Baka mas mabuti nga na huminga muna tayo
Subukang mabuhay at maglakbay sa kanya-kanyang mundo

Huwag ka sanang magdamdam
Dahil minsan hindi maiiwasan sa isang relasyon ang magpaalam
Lalo na kung ang dalawang taong dating nagmamahalan
Sa isa't-isa'y nawalan na ng nararamdaman

Salita at Larawan ni Niel Andrew Gomez

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NeroDaze posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share