Pinoy Bida Ka Dito

Pinoy Bida Ka Dito Tara na, tara na, ikaw ang bida dito

11/09/2026

Kapag ang tao ba ay maysakit at hindi naman nakakahawa, at nakagawa ng krimen bawal ba siyang dalhin sa bilangguan?

Ang totoong pressure.Naglabas ng kanyang saloobin si Vp. Sara Duterte sa panibagong pahayag inihayag ng Bise Presidente ...
07/09/2026

Ang totoong pressure.

Naglabas ng kanyang saloobin si Vp. Sara Duterte sa panibagong pahayag inihayag ng Bise Presidente na sa taong bayan lamang ang tiwala niya at malaki din ang pasasalamat niya dahil patuloy ang pagtitiwala sa kanya ng taong bayan sa kanila ng walang tigil na political harassment umano mula sa administrasyon ni Marcos.

At ito pa ang dag-dag sa kanyang mga pahayag,

"Marami rin ang nagsabi na nai-stress na sila sa impeachment at sa mga kasong kinakaharap ko. Gusto kong ipaabot sa inyong lahat na hindi ninyo kailangang mag-alala at huwag kayong ma-pressure. Hawak man ni Marcos ang mga senador, fiscal, huwes, at mga pulis, napakaraming abogado naman ang tumutulong sa akin upang ipaglaban at mapanalo ang mga kasong ito.

Ang totoong pressure ay ang kahihiyan na napakaliit ng aking naitutulong sa pagdurusa ninyo ngayon.

Sa bawat paglangoy ninyo sa baha, sa kagutuman ng inyong mga anak, sa hirap na dinaranas ninyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at iba’t ibang pasaning dulot ng administrasyon ni Marcos—nararamdaman kong hindi sapat ang aking nagagawa upang maibsan ang inyong paghihirap.

Ang totoong pressure ay ang maging isang opisyal ng gobyerno habang nakikita ko na si Marcos at ang ilan pang mga opisyal ay tila sariling interes lamang ang inuuna, sa halip na kapakanan ng bawat Pilipino.

Ang totoong pressure ay ang makasaysayan na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar, na ngayon ay nasa 62.77 pesos na.

Ang totoong pressure ay ang nawala ninyong tiwala sa pamahalaan."

SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

07/09/2026

Yung Alias niyo ba may record sa PSA? baka may birth certificate at marriage record or paktay na aray ko

Matapang na sinagot ni Vp. Sara Duterte sa kanyang pahayag na wala siyang TIWALA kay DILG Sec. Jonvic Remulla at sa mga ...
05/09/2026

Matapang na sinagot ni Vp. Sara Duterte sa kanyang pahayag na wala siyang TIWALA kay DILG Sec. Jonvic Remulla at sa mga pulis na sunod-sunuran umano sa isang korap na pahalaan na pinamumunuan daw ni Marcos.

Narito ang buong
PAHAYAG
05 September 2026

Isang Pag-amin ng Pattern ng Political Harassment

“We knew where she was the night before, but we did not force the arrest warrant.”

Ang mga salitang ito ni Secretary Jonvic Remulla ay tila nagpapatibay sa mga dokumentong matagal na naming hawak hinggil sa harassment at surveillance operations ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno laban sa akin.

Ilang taon nang nagpapatuloy ang surveillance operations ng administrasyon. Malaking halaga na ng pondo ng gobyerno ang inilaan para sa mga ganitong aktibidad laban sa isang nakaupong Bise Presidente.

At dahil alam ninyo kung nasaan ako, isang mahalagang tanong ang dapat ninyong sagutin— bakit niyo pa kinakailangang puntahan ang aking ina at mga anak?

Isa lamang ang malinaw na sagot —upang takutin at sindakin ang aking pamilya.

Ang pondo ng gobyerno ay ginagamit dapat para sa seguridad ng taumbayan—para tugisin at labanan ang mga ra**st, gun-for-hire, terorista, holdaper, magnanakaw, at mga opisyal ng gobyernong tumatanggap ng maleta ng pera na galing sa taumbayan.

Nais ko mang bigyang diin ang aming posisyon ukol sa isyu ng jurisdiction sa pamamagitan ng pagsuko sa pulisya, hindi ko magawa dahil hindi ninyo kayang ipangako na magiging ligtas ako sa loob ng inyong kulungan. Hindi ninyo maipangako na hindi ako sasaktan o aabusuhin habang nasa inyong kustodiya.

Higit sa lahat, huwag nating kalimutan ang ginawang pagkidnap ng Philippine National Police kay Pangulong Rodrigo Duterte. Pati na rin sa marami pang ginagawang harassment ng pulisya sa mga sibilyan.

Wala kaming tiwala sa iyo, Jonvic Remulla, at sa mga pulis na sunod-sunuran sa isang korap na pamahalaang pinamumunuan ni Marcos.

SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

29/08/2026

Lahat ng lugar sa Luzon na binaha ginawa ng part ng Davao city ng mga netizens inunahan na nila si Ante

29/08/2026

Tahimik ang mga Politiko sa baha, walang nag papasikat sa flood control project nila

25/08/2026

Ayon kay Usec. Claire Castro bukas umano ang Pangulo sa panukalang pag-ban ng Facebook sa Pilipinas at maging sa gaming apps sa lahat na maaring makasira umano sa ating mga kabataan at sa ating bansa, open umano si President B**g-bong Marcos Jr. dito.

24/08/2026

Sen. Lito Lapid nagsalita na sa Senado.

"Sabi kasi ng tatay ko basta lapid kamag-anak ko"

Kinuwestyon ni Sen. Lapid si hostile witness Gina Acosta sa pagsama ng dalawang apelyidong Lapid sa nabigyan ng confidential funds at nagpapasalamat ang Senador kung totoong nabigyan subalit paano kung ito umano'y ay Alyas lang.

13/08/2026

Iginiit ni PCO Usec. Claire Castro na wala umanong alam si Pangulong B**g-bong Marcos Jr. sa kontrobersyal na naging testimonya ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan sa leadership fund na nagsasangkot sa mga Senador, Ayon pa kay Castro , kung alam ng Pangulo yan hindi daw ito mangyayari.

12/08/2026

Mahirap po mag react sa isang isyu na hindi natin alam anong pinagbabasihan at ano ang motibo" ito ang naging sagot ni Sen. B**g Go sa naging testimonya ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan sa sandigan bayan, sa pagdamay ng pangalan nila ni Sen. Robin Padilla

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Bida Ka Dito posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share