19/06/2025
Grabe ‘yung init, ‘di ba? Pawis na pawis ka na, feeling mo parang nasa loob ka ng oven. Tapos ayun sila, parehong nakasiksik pa rin sa'yo. May electric fan, may space pa sa k**a, pero bakit nga ba laging si mamaBear ang gustong dikitan? 😂 Kahit para kang tinapay na naiinitan sa toaster, hindi mo rin kayang itaboy, kasi ang sarap sa puso eh.
Sa simpleng dikit nila, doon mo mararamdaman na ikaw pa rin ang "home" nila. Hindi mo kailangang perfect, basta present ka. Sabi nga nila, "The warmth of a mother is more comforting than any cool breeze."
Kaya sige lang, mamaBear. Pawisan na kung pawisan, dahil ang mga ganitong siksik moments, minsan lang ‘yan. 💛