Sinag Animation Studios

Sinag Animation Studios Sinag (rays or light) is a symbol of hope.

A hope that the industry will soon reach its maximum potential in producing world class animation embraced locally and internationally.

04/01/2020

Muling Pagpupugay sa Ating mga Kampeon sa Arnis
2019 Sea Games

Abangan si Oton sa Kamagong The Animation!
18/12/2019

Abangan si Oton sa Kamagong The Animation!



Sa kabila ng maraming hirap sa pag-eensayo, panahon, lakas at buong magagawa....tayo ay magwawagi!ISANG MALIGAYANG PAGBA...
02/12/2019

Sa kabila ng maraming hirap sa pag-eensayo, panahon, lakas at buong magagawa....tayo ay magwawagi!

ISANG MALIGAYANG PAGBATI ARNIS PHILIPPINE TEAM GOLD MEDALISTS MULA SA SINAG ANIMATION STUDIOS!

Ang isa sa kaharian sa "Kamagong" ANG  KAHARIAN NG TUNDOIto ay isang Indiyanisadong kaharian na naitatag noong ika-10 da...
26/11/2019

Ang isa sa kaharian sa "Kamagong"

ANG KAHARIAN NG TUNDO

Ito ay isang Indiyanisadong kaharian na naitatag noong ika-10 dantaon, naging pinakamatandang pook sa kapuluan na nagkaroon ng ugnayan sa Dinastiyang Ming sa Tsina at sa bansang Hapon sa Silangang Asya, ito din ay may matatag na samahan sa Imperyong Brunei at mayroong mga malalakas na tanggulan at sandatahan sa hilagang Pilipinas, na pinamunuan ng mga makikisig na hari at pinagbuklod nito ang mga lalawigan sa Luzon, hanggang sa tuluyang pagbagsak ng Dinastiyang Tondo noong 1571 nang matalo ng pwersa ng Espanya ang sandatahan ni Lakandula na hari noon ng Tondo.

Sa kasalukuyan, ang Tondo ay ang pinakamatandang pook sa Maynila, dahil magpahanggang ngayon ay umiiral pa rin ang pangalan nito na isa ngayong distrito sa Maynila.

Batis: Wiki Bayan ng Tundo

Ang Banta ng "Cultural Imperialism" sa Mundo ng AnimasyonKaya nagsisikap ang Sinag Animation Studio na makagawa ng anima...
14/11/2019

Ang Banta ng "Cultural Imperialism" sa Mundo ng Animasyon

Kaya nagsisikap ang Sinag Animation Studio na makagawa ng animasyon na sariling atin ay upang maingatan ang ating kultura at kasaysayan sa anomang pagbabanta ng pagbabago ng pagsasalaysay ng ating kasaysayan. Nais naming makapagbigay ng kaalaman sa abo’t ng aming makakaya at gamitin ang midyum na ito upang makilala natin ang sariling identidad at kasaysayan nang sa gayon ay hindi na malupig ang ating kaisipan ng mga mananakop. Gayon din ang de kalidad na animasyon sa kasalukuyang panahon na tila napag-iiwanan ang ating bansa. Ang anomang animasyon ay may dala-dalang "subliminal message"-

--A subliminal message is a technique used in marketing and other media to influencE People without their being aware of what the messenger is doing. This may involve the use of split second flashes of text, hidden images, or subtle cues that affect the audience at a level below conscious awareness.

Mapanganib ito sa kaisapan ng mga bata lalo na kung gagamitin sa historical distortion, hindi puedeng ipagwalang bahala na ito ay animasyon lang. Sa bawat paglikha nito ay may intensyon ang mga producer kaya kailangan mayroon tayong armas ng kaalaman sa kasaysayan upang hindi mailisya ang ating nakaraan.

Noong Hunyo 7, 1494, ang mga pamahalaan ng Espanya at Portugal ay nagkasundo sa tinatawag na Tratado ng Tordesillas, ipinangalan ito sa isang lungsod ng Espanya kung saan ito binalangkas. Ang nasabing Tratado ng Tordesillas ay patungkol sa pagkakahati ng “Bagong Mundo” ng mga Amerika sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa.

Ang Espanya at Portugal ay kumilala sa tratadong ito nang walang malaking di pagkakaunawaan. Subalit winalang bahala nito ang milyong mga tao na naninirahan at mga establisadong komunidad sa bahagi ng Amerika. Nakatala sa tratadong ito na ang lahat ng mga lupain na hindi nasasakop ng “Kristianong Hari” o mas madaling sabihin Haring Katoliko (dahil walang balak ang mga totoong kristiano na mangamkam ng lupain lalo na kapag hindi sa kanila), ay nararapat sakupin kaya ang naging resulta ng kanilang pananakop o kolonyalisasyon ay kapahamakan sa mga katutubong nabubuhay ng payapa katulad ng mga Inca,Taino, Aztec, at Tupi.

Ito ang isa sa pangunahing dahilan kaya naghahanap ng ibang ruta ang grupo ng maglalayag na kasama ni Magellan papuntang Molukas dahil maliwanag sa kanilang kaisipan ang palatuntunan ng Tratado ng Tordesillas na ang pinakalayunin ng mga ito ay manakop, paghatiin ang mga bahagi ng mundo na akala mo ay sila lang ang may karapatang manirahan, kaalinsabay nito ang paghahanap ng dadaanan kung saan hindi sila magkakaroon ng di pagkakaunawaan ng Portugal dahil sakop mismo ng Portugal ang Molukas. Ibig sabihin hindi tapat sa tipanan at intensyon ang Espanya dahil alam naman nila na ito ay nasa kinikilalang teritoryo ng Portugal.

Ngayon, ang tala ni Pigafetta ang pangunahing pinaniniwalaan sa mga pangyayari sa ekspedisyon ni Magellan lalo na usapin ng labanan sa Mactan. Akala ng mga historyador na ito ay hindi tayo nagbabasa ng ating kasaysayan, kaya ang lumalabas sa kanialng pasaring magsuri at magsaliksik muna, masyado daw tayong nagre-react, alamin daw muna ang facts etc.

Ang tawag nila sa panahong ito “Age of Exploration” o “Age of Discovery”, ayaw pang gamitin ang mga katagang “Age of Colonization”. Suriin muna natin ang kanilang ginagamit na salita, kung ‘exploration” lang talaga ang layunin nila Magellan, bakit kailangan mong ipakilala na makapangyarihan ang bansa at Hari ng Espanya? Bakit kailangang ipakita ang kanilang kagamitang pangdigma. Kinakailangan ding magpaputok ng kanyon sa anomang isla na may naninirahan kapag sila ay dadaong sa mga pantalan nito, na lumilikha ng takot sa mga pamayanan. At ang pagpapakilala pa ng tagapagsalin ng kanilang wika ay mas makapangyarihan ang Hari ng Espanya kaysa sa Hari ng Portugal na sumakop sa Molucas.

Sa unang hakbangin pa lang ng mga ito ay lumilikha na sila sa kaisipan ng mga katutubo upang sila ay katakutan. Maaaring sa umpisa ay pakikipagkaibigan ang datingan ni Magellan, umpisa kay Raja Calambu hanggang sa Raja ng Sebu na si Humabon. Subalit may ugali si Magellan na magpakitang gilas sa kanyang mga kinakaibigan. Nangako ito kay Raja Colambu na kanilang babalikan ang kanyang mga kaaway upang maipasuko ito sa kanyang kapangyarihan. Ibig sabihin gusto niyang ipakita ang kanilang gilas sa pakikipagdigma at kapangyarihan ng Espanya.

Ganito rin ang kanyang ginawa kay Raja Humabon ayon sa mga tala ni Pigafetta, may sinunog silang lugar sa Sebu dahil ayaw kumilala sa kanilang relihiyon. At dahil nakuha na niya ang loob ng konseho at mismong si Raja Humabon, nagawa nila Magellan ito ng hindi man lamang pinagtanggol nila Humabon kanilang kababayan. Ganito ang naging tala ni Pigafetta:

“And we burned a village which refused to obey the king or us. This was in an island near to that one.”

Pagkatapos ng insidenteng ito, ayon kay Pigafetta noong Biyernes ng ika-26 ng Abril, isang Raja Zula o pinuno ng isla ng Mactan ay pinadala ang kanyang isang anak na lalake upang magbigay ng dalawang kambing, at gusto sana ng mga ito na tuparin ang kanilang mga naipangko nito kina Magellan, subalit dahil kay Datu Cilapulapu na hindi sumunod sa kautusan ng Espanya, ay hindi naipadala ang mga ito. Kasabay ng ganitong pasubali, nakiusap si Zula na padalhan siya ng isang bangka na tauhan ni Magellan upang labanan ito.

Tinugon ito ni Magellan at nagpadala ng tatlong Bangka , nang maghahating gabi bumiyahe sila kasama si Magellan at nakarating sila sa Isla ng Mattan, tatlong oras bago mag-umaga. ( Saka ko na ikukuwento kung bakit hindi sa Mactan sila naglaban).

Pagdating nila sa Isla, hindi muna nakipaglaban sina Magellan, nagpasabi ( nagpabida) ulit ito sa kanilang interpreter na isang Moor na sabihin sa pinuno ng lugar na ito na si Cilapulapu nga, na kung susunod sila sa kautusan ng Hari ng Espanya at kikilalanin bilang Kristianong Hari bilang kanilang panginoon at magbibigay ng tributo ( o lagay), ang mga ito ay kikilalanin niyang mga kaibigan. Subalit kung kabaligtaran ang kanilang magiging pagkilos ay matutuhan nila ang bagsik ng kanilang sandata.

Ano ang sumunod na nangyari? At ano ang sagot ng ating mga katutubo sa pangunguna ni Cilapulapu- “ang aming mga sandata ay pinatigas na kawayan sa pamamagitan ng apoy, at kami ay susugod sa panahon ng aming kaya.”

Sa madali’t sabi hindi nila natakot ang ating mga ninuno sa pangunguna ni Cilapulapu dahil siya ang isa sa kinikilala dito. Habang nasa kalagitnaan sila ng labanan, nag-utos si Magellan na sunugin ang mga bahay sa isla ng Mattan.

“ Seeing this the captain sent some of his men to burn the houses of those people in ordre to frighten them.” Who, seeing their houses burning became bolder and more furious, so that two of our men were killed near these houses, and we burned a good thirty good houses.”

Lalo tuloy nagalit ang mga mandirigma ni Cilapulapu, dahil dito tuluyang nagapi ang mga tauhan ni Magellan at dito na rin nagwakas ang kanyang buhay. Ito ang iba pang nangyari sa labanan sa Mactang.

Kaya kung sinoman ang babago sa pagsasalaysay ng ating kasaysayan at palilitawin na kalaban ang ating mga ninuno na nagtatanggol ng kanilang tinubuang lupa at palabasin na sila ang bida sa mga pangyayari, ay kinakailangan ng kaukulang pag-iingat sapagkat mga bata ang target audience ng mga nililikhang animasyon.

Mauunawaan natin kung ito ay kathang-isip lamang o fiction subalit kapag ka maiiba na ang presentasyon ng ating kasaysayan kailangan na nating manindigan upang huwag mawalan ng saysay ang pinaglaban ng mga bayani ng ating lahi--Ito ang misyon ng KAMAGONG!

Pinaniniwalaan ng mga arnisador na mga kababayan natin sa Cebu lalo na ang kilalang Doce Pares na ang KALI AT ARNIS ay nagmula kina Lapu Lapu at sa kanyang mga kasama, kaya kinakailangan maingatan ang kanilang kasaysayan.

Batis:
R.A. Skelton (1969). Magellan's Voyage: Antonio Pigafetta- A Narrative Account of the First Circumnavigation, Dover Publication Inc. pp. 86-89
Ateneo de Manila University (2007). Battle of Mactan and the Indigenous Discourse on Warby Jose Amiel Angeles, Ateneo de Manila University Press pp. 3-6
Treaty of Tordesillas - National Geographic Society, url:https://www.nationalgeographic.org/…/treaty-tord…/.Retrieved: 11/13/19

Larawan ni Lakan Tagkan na inyong aabangan sa Kamagong

ITO ANG DIWANG DALA DALA NG KAMAGONG LABAN SA KANINO MANG MANANAKOPGamit ang Sariling Wika, Gamit ang Sariling Baybayin"...
12/11/2019

ITO ANG DIWANG DALA DALA NG KAMAGONG LABAN SA KANINO MANG MANANAKOP

Gamit ang Sariling Wika, Gamit ang Sariling Baybayin

"Yamang jindi natatala sa alin mang Catoiran na ang sino man ay macapag jauac at cumamcam ng jindi niya lupa o pag aare, ay caming may areng tunay at tubo sa lupang ito na linupig at quinamcam may tunay na catoiran, huag na ang maningil nang pautang dajil sa manga gauang yaon, cun di na lamang jingin na isarile sa amin ang boong Capangyarijan sa manga Capuloang ito, bucod pa sa cami ay jindi nag cacailangan na pangjimasucan at pamunoan nang taga ibang lupa, cun ang guinagaua, gaya ngayon, ay pauang pag inis, pag lait, pag api, pag iring at pag patay."--Cataastaasan Catipunan, Enero 1892

Ang Lumikha ng Sinag Animation Studios
20/07/2019

Ang Lumikha ng Sinag Animation Studios

Address

Tektite Building 10 Floor East Tower, Ortigas Center
Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinag Animation Studios posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share