Zed Manzano

Zed Manzano Just a normal boy wanting to experience extraordinary things.

Mid 20s na ko.Ngayon ko lang narealized na ang pananatili sa bahay ay importante.Bukod sa makakapagpahinga ka, makakapag...
06/06/2026

Mid 20s na ko.

Ngayon ko lang narealized na ang pananatili sa bahay ay importante.

Bukod sa makakapagpahinga ka, makakapag-save ka din ng pera at enerhiya.

Dapat mong maintindihan na hindi lahat ng bagay sa buhay ay kailangan maging magarbo at mukang perfect.

Ok lang kahit walang bagong outfit posts. Ok lang kahit walang bagong lugar na napuntahan kung di talaga afford.

Wala namang nagpipilit sayo gawin yan, ikaw lang nag-iisip niyan.

Minsan hindi sa pag-labas mo ng bahay makikilala ang sarili mo. Minsan sa pananatili mo sa loob mas makikita ang kahalagahan ng mga bagay sa mundo.

Dahil lahat yan ay nagsisumula sa tahanan.




06/06/2026

Be a good person first then an artist is the second. 🌻

03/06/2026

Kahit paano ka pa pinalaki kung yang mga natutunan mo e alam mong bulok, unlearn that nonsense.

After church.Magandang memory to dahil ngayon na lang ulit kami nakapag-simba ng magkakasama.Isa sa mga goal dapat ng pa...
31/05/2026

After church.

Magandang memory to dahil ngayon na lang ulit kami nakapag-simba ng magkakasama.

Isa sa mga goal dapat ng pamilya ay ang ilapit ang isa’t isa sa Lord.

There’s no greater gift than the eternal life given by him. ✊🏻

23/05/2026

Weekend ngayon, wag kalimutan magpahinga.

Ang pagpapahinga ay kasama sa proseso ng pag-asenso.

Balansehin lang natin. 🌞

Sa mga litrato nakuhaan sa’min palagay ko ito ang pinaka-paborito ko.Magandang ngiti habang naka-upo sa bato at napapali...
20/05/2026

Sa mga litrato nakuhaan sa’min palagay ko ito ang pinaka-paborito ko.

Magandang ngiti habang naka-upo sa bato at napapaligiran ng mga puno.

Sobrang raw lang, walang magarbong kasuotan, walang kakaibang nakalagay sa katawan. Totoong nararamdaman lang at kasiyahan na makikita sa pinta ng muka.

Ps. Kudos kay Josh solid tong picture parekoy!

19/05/2026

— Kwentuhan Time! —

Nasira isang outlet namin. Wala kong magawa kaya nag-video na lang ako.

Kwentuhan ko lang kayo ng bahagya mga par. 🌞

For more videos visit my Youtube channel.

https://youtube.com/?si=oElObOSc5vcSQUr2

Address

Eusebio Avenue Street, Brgy. San Miguel, Pasig City
Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zed Manzano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share