09/01/2023
SAD REALITY: sa tuwing may ginawang masama o hindi ayos sa iyo ang partner mo at papatawarin mo sya without consequences, mas lalo lang syang mawawalan ng respeto sa relasyon nyo
—
Pansin mo ba? Kapag yung jowa/asawa mo, kapag gumawa ng mali at hinayaan mo lang sya na parang walang nangyari, gagawin nya ulit yun kasi alam nyang wala naman syang kailangang ibahala
Nagcheat sya at pinatawad mo agad? Malamang ay uulitin nya magcheat kasi alam nyang di mo sya kayang tiisin at di ka mawawala sa buhay nya kahit ilang babae/lalaki pa ang landiin nya
Napagbuhatan ka ng kamay at ayos lang sa iyo? Malamang ay mauulit lang yan kasi alam nya na ayos lang sayo ang ganung senaryo
KAYA DAPAT ALAM MO KUNG ANO ANG DESERVE MO
Wag natin itolerate ang mga maling gawain ng partner natin porket mahal natin sila
Never be too much available for him/her kasi mawawalan ka ng importansya sa mga mata nya kasi alam nyang kahit anong gawin nya, andyan ka pa rin para sa kanya.
Never let your partner be comfortable disrespecting you.
Let him/her know na pwede kang mawala kapag gumawa sya ng bagay na ikasisira ng inyong relasyon. Let your partner realize your worth 💯