Mama ni Ver

Mama ni Ver Always be humble

06/08/2025

Walang nanay na perpekto.
Minsan, nakakagawa sila ng maling desisyon.
Minsan, may nasasabi silang masakit.
Pero isang bagay ang sigurado —
mas mahal nila ang anak nila kaysa sa sarili nila.

29/07/2025

Don’t feel bad kung feeling mo parang napag-iiwanan ang anak mo sa school. Lahat ng bata may kanya-kanyang pace ng development. Huwag ikumpara, kasi walang deadline ang pag-grow ng bata.

Hindi grades ang magde-define ng future nila. Ang mahalaga ay ang effort nila, ang disiplina, at yung makita mong nagpu-pursige sila, kahit na may mga moments ng struggles.

Minsan, may mga bata talagang nahihirapan sa umpisa, pero madalas sila pa yung nagtatagumpay sa huli. Huwag mawalan ng pag-asa. Lahat ng bata may sariling timeline, at bawat hakbang nila ay mahalaga. Minsan nga, yung mga bata na nagsimula ng mabagal, sila pa yung lumipad sa huli.

Kaya naman, kung ano ang kaya nilang gawin, ipagmalaki natin. Let them enjoy school and learn at their own pace without the added pressure. It’s okay to go slow, as long as they keep going.

Hindi madali maging estudyante, at hindi rin madali maging magulang sa mga moments ng frustration. Pero iparamdam natin sa mga anak natin na proud tayo sa lahat ng kaya nilang gawin, sa bawat maliit na tagumpay, at sa mga matutunan pa nilang skills at values.

At remember, ang pagiging supportive parent na tapat sa kanila, yun yung pinaka- importante.



23/07/2025

‼️Wag kang maglihim sa asawa mo Maliit man o malaking bagay

mas maganda kung sinasabi natin lahat sa ating mga asawa. Para walang gulo at walang pagdududa.

Tandaan mo, once nagawa mo na ang maglihim, di na yan mawala sa isip niya. Mapapatawad ka nya pero sinira mo na ang tiwala niya. Mahirap na yan ibalik sa dati at magkaroon na ng lamat ang inyong pagsasama.

Di mo sinasabi kasi magalit sya, kaya pinili mo nlang maglihim. No, its a big wrong, mas magandang magsabi ka ng totoo , magalit man sya pero lilipas di nman

Napakahalaga ng transparency o pagiging open sa mag-asawa . ♥️

-CTTO

18/07/2025

PAALALA sa mga MAGULANG,

Huwag mong ipilit na maging MAS magaling sa lahat ang anak mo..
Hayaan mong mag enjoy siya sa pag aaral..
ung walang PRESSURE!, na kahit ndi mataas na marka OKAY LANG! Makuntento tayo sa marka nila..
Maging PROUD KA kng ano ung kaya nila..

Sabihin nyo na OKAY lang anak basta di ka bagsak..☺️ang pag aaral ay hindi competition..kundi para MATUTO sila na kung sakali na wla tayo sa tabi nila ay di sila magmukang kawawa db?

23/05/2025

Anak, tandaan mo na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo.
Hindi lahat ng meron sila, kailangang meron ka rin.
At hindi rin ibig sabihin na meron ka at sila ay wala, ay nakakaangat at magyayabang ka na.

Pantay pantay lang tayo anak.
Pag laki mo, mauunawaan mo ako..

Ayokong lumaki kang nakikipagkumpitensya at nagyayabang sa kapwa mo.
Ayokong lumaki kang hindi marunong pahalagahan ang kung anong naibibigay lamang namin sayo.

Mamuhay ka ng naaayon sa kakayahan natin..

Tandaan mo na ang tunay na kaligayahan ay hindi nasusukat sa kung gaano ka kayaman at
kung gaano karami ang iyong ari-arian..

Ang tunay na kaligayahan ay nandiyan puso mo..
Gumawa ka ng kabutihan yan ang tunay na kayamanan 🤍

18/05/2025

"Walang kapayapaan sa tahanan kung ang babae ay pagod na — sa emosyon, isipan, at bulsa."

Men settle where there is peace. Pero madalas nakakalimutan ng iba: peace doesn’t magically exist. Ang totoo? Babae ang nagtatayo ng katahimikan sa loob ng bahay — pero paano niya magagawa 'yon kung siya'y pagod na, sugatan ang puso, at hindi na naririnig ang tinig niya?

Hindi mo pwedeng asahan na gagawa ng tahanan ang isang babae kapag siya mismo ay parang walang tahanan sa puso ng asawa niya.

Peace begins with how you treat the woman who holds it all together.
Kapag minahal, iginalang, at inalagaan mo siya — lalambot ang mundo. Tatatag ang pamilya. Liliwanag ang buong bahay.

Naalala mo ba si Jolina Magdangal? Sa isang panayam, sinabi niyang malaking bagay sa isang relasyon na nararamdaman mong mahalaga ka — hindi lang bilang ina o asawa, kundi bilang tao.

Ganun din si Dimples Romana, sinabi niya sa interview na ang sikreto ng matatag na pamilya ay “yung may oras makinig at umintindi sa damdamin ng babae — kasi sa totoo lang, kapag okay si misis, buong bahay, ramdam ang saya.”

At si Iya Villania naman, consistent sa pagbabahagi kung paanong si Drew (Arellano) ay talagang partner niya sa lahat — emotionally, mentally, at financially. Hindi lang siya breadwinner o taga-desisyon — kasama siya sa pag-aalaga, pagbuo, at pag-unawa.

So mga lalake — kung gusto niyo ng tahimik, masayang, matatag na tahanan… hindi yan nasusukat sa pera lang o authority. It starts with how you treat your wife.

Because when a woman feels loved, safe, and seen — she brings peace into every corner of your life.

"Hindi kawawa ang batang walang kapatid."Hindi kulang.Hindi kawawa.Hindi dapat kaawaan.Ang batang walang kapatid ay hind...
16/05/2025

"Hindi kawawa ang batang walang kapatid."

Hindi kulang.
Hindi kawawa.
Hindi dapat kaawaan.

Ang batang walang kapatid ay hindi automatic na malungkot, spoiled, o selfish. They can be full of love, joy, and wisdom too.

Ang dami-dami nating assumptions sa mga only child... pero minsan, tayo lang din ang naglalagay ng lungkot sa buhay nila na hindi naman nila nararamdaman.

What they have is a different kind of childhood. Mas tahimik siguro. Mas simple. Pero hindi ibig sabihin kulang.

May mga batang walang kapatid pero lumaking may buong pusong pamilya, maraming kaibigan, at malalim na pagmamahal sa sarili.

At the end of the day, it's not the number of siblings that defines a happy childhood—it's the love that surrounds them.

So kung isa lang ang anak mo ngayon, tandaan mo: hindi siya kawawa. Hindi siya kulang.
Buo siya—dahil buo ang pagmamahal mo.

03/05/2025
29/04/2025

Madalas kapag nakapag asawa na ang isang babae , nawawalan na ng time para sa ibang bagay”

Hindi tulad sa partner na lalaki andyan pa din yung mag aayaan kasama ang barkada.

Kaya hindi mo talaga masisi yung asawang Babae na magbawal minsan ,
Dahil buong oras at atensyon’niya binuhos niya sa kanyang pamilya 🥹💯

CTTO

29/04/2025

"ANG UGALI NG BABAE, SALAMIN NG PAGTATRATO MO SA KANYA"📍

Hindi lang babae ang may responsibilidad na maging mabait sa relasyon. Ang ugali niya ay kadalasang repleksyon ng kung paano mo siya tratuhin.

Kapag pinaramdam mo sa kanya ang pagmamahal, ibabalik niya ito nang mas higit.
Kapag iginalang mo siya, mas lalo ka niyang igagalang.
Kapag naging tapat ka, hindi mo kailanman kailangang magduda sa kanya.

Kaya kung minsan, may mga bagay siyang ipinagbabawal o ipinaaalala—hindi dahil gusto niyang kontrolin ka, kundi dahil gusto ka niyang itama bago ka pa magkamali.

Oo, lalaki ang gumagabay sa relasyon, pero madalas, babae ang nagbibigay ng direksyon.
Hindi para diktahan ka, kundi para siguraduhin na hindi kayo maliligaw ng landas.

Kung hindi mo siya pinakikinggan, huwag kang magtaka kung dumating ang araw na hindi ka na rin niya pakinggan.
Kung hindi mo siya naiintindihan, huwag mong asahan na mauunawaan ka niya palagi.

Hindi ito gantihan—ito ay repleksyon.
Ang ugali niya sa'yo ay salamin ng kung paano mo siya tratuhin.

Kaya kung gusto mo ng mabait, tapat, at maunawaing Misis o Girlfriend,
Magsimula kang maging mabuting lalaki.

26/04/2025

Darating ang panahon na wala nang makikialam sa inyo, wala nang magtatanong kung kumain na ba kayo, wala nang mag-uutos o magpapayo kung anong tama. At sa mga sandaling 'yon, saka niyo marerealize kung gaano kahirap mawalan ng isang magulang.

Yung dating nakakainis na paulit-ulit na paalala, hahanapin niyo. Yung dating sermon, mamimiss niyo. Kaya habang nabubuhay pa sila, pahalagahan niyo ang mga magulang ninyo.

Mahirap umangat sa buhay ang taong walang respeto sa magulang.

Address

Ilocos Norte
Pasuquin
2917

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mama ni Ver posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mama ni Ver:

Share