28/04/2021
Kiara is already 8 months.
Time flies so fast. One moment you'll realize na they're not that so little baby anymore 🥺❤️
I'm really glad that I got the chance to have a work from home set up. It made me spend the whole time with her watching her grow and witness each milestones.
This month, she learned how to stand up on her own. I think nakatulong yung crib na higaan namin. She always crawl over sa corner ng crib and then she will bravely let go her hands so she can stand. I didn't teach her how to, natutunan nya lang ng sarili nya. Nagulat nalang kami bigla nalang bumibitaw, then one day, ayun nakakapag balance na sya. Nag kaclap hands pa yan habang nakatayo 😅
One good thing about Kiara din is hindi sya nasanay sa karga. Kahit hayaan mo sya sa lapag okay lang. Iiyak lang pag nagugutom, gusto dumede sakin, gusto ako katabi, inaantok or nairita sa nilalaro nya. I'm thankful na mabait na baby si Kiara. My only challenge lang sa kanya ay may times talaga na gusto nya katabi nya lang ako which I appreciate kaso hindi ako makakilos 😅 Lalo na pag may work ako, at ilang feet lang ang layo ko sa crib nya, iiyak yan kasi gusto nya nasa loob din ako ng crib 😅 Another challenge is yung pagpapakain ko sa kanya. Mahirap sya pakainin sa totoo lang. I always have Marie Biscuit na favorite nya para ngumanga sya 😅 It's challenging yes, tyagaan lang talaga pero worth it naman pag nauubos nya. Lastly, hindi pa rin sya sana mag bottle feed. Dedede lang sya sa bote pag wala na talagang choice or pag gutom na sya. Pero bago yun magwawala muna, syempre di naman matiis, papadede nalang sakin 😅
Today, we also changed her vitamins. From Tikitiki + Ceelin, we went for Ceelin + Propan Drops. Let's see sa mga coming days kung mas gagana na sya kumain 😊 I also noticed na she's teething na 😍 May mga puting narks na yung gilagid nya at mahilig na ngumatngat ng kung anu ano. I'm worried lang na pag magkangipin na sya, masakit na pag kinagat nya ni***es ko 😂
This is all I have for now. Just a random update so I can go back to this in the future 😊❤️