17/06/2025
Domeng + Isaak
Meron ka nang NARKOKRISTO, 1896?
๐๐ฆ๐ข๐ฅ ๐๐ฐ๐ค๐ข๐ญ, ๐๐ฆ๐ท๐ช๐ฆ๐ธ ๐๐ฐ๐ค๐ข๐ญ #75 | ๐๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐๐ฆ๐ท๐ช๐ฆ๐ธ #224 | ๐๐ฆ๐ฃ๐บ๐ถ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข
๐๐๐ซ๐ค๐จ๐ค๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ, ๐๐๐๐
๐ง๐ข ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐๐จ ๐. ๐๐ข๐ฏ๐จ, ๐๐ซ.
๐๐๐
Ang "Narkokristo" ay dagdag sa mga nobela ni Sir Ronaldo Vivo na patuloy na tumatalakay sa lagay ng lipunan, matapang at delikado. Ang libro ay nagsimulang magulo, lagi naman basta galing kay Sir Vivo. Tuwing nagbabasa ako ng sulat niya ay parang pinipilit ka niyang mag-isip, ginugulo, binabagabag. Pag pakiramdam ko ay nakikita kita ko na ang magiging ikot ng istorya ay sa ibang ruta niya ako dinadala. Kung hindi ka interesado at wala kang tiwala sa obra niya, pakiramdam ko ay hindi mo tatagalan ang libro.
Ang mga pangunahing karakter ay magkaibang-magkaiba pero pareho rin sa isang aspeto, pareho ang puso nila para sa pamilya. Si Isaak ay tipikal na bida, madaling mahalin dahil sa mabuti niyang puso, parang batang ako, parang mga batang tayo. Si Domeng naman ay mas may alam, mas kilala ang mundo, mas marunong sa sistema ng ginagalawang lipunan, parang matandang ako, parang matatandang tayo. Ang dalawa ay palaging nagbabangga pero palagi ring nagtutugma. Pareho silang hindi perpekto, pero pareho ring may ipinaglalaban, sa paraang maiintindihan mo.
Kada pagkakatapos ko ng chapter meron ako laging 5-10 seconds na tulala sa hangin para balikan sa utak ko ang mga nangyari, kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa inilahad ng kwento, kung ayos lang ba ako pagtapos kong mabasa ang kwento. Noong nasanay na ako sa palaging tila pagsampal ng libro sa akin ng mga katotohanan ng buhay, ay para akong sinuntok sa sikmura ng banggitin ni Domeng ang kanyang saloobin sa pag darasal.
"Hindi mababago ng dasal ang isip ng Diyos. Diyos nga siya, eh." sabi ni Domeng, na alam ko, ramdam ko, galing sa taong dati ring naniniwala sa kapangyarihan ng dasal. Patunay lamang na hindi ito simpleng kwento ng pangyayari sa panahon ng pananakop, ito ay pagkwestiyon sa pananampalataya. Paano tayo patuloy na maniniwala kung ang ating mga suliranin at hinaing ay hindi naman nakakarating sa taong gusto nating kausapin, at ang simbahan na dapat kanyang sugo ay hindi naman makatao?
Laking pasasalamat ko kay Liwa, sa liwanag ng kwento, tila siya naging pag-asa sa masalimuot na karanasan at hanggang ngayo'y sitwasyon ng mga bulag na mananampalataya.
Sa kabuuan, ang libro ay nobela ng katanungan at karanasan. Patuloy akong guguluhin ng lahat ng pinagdaanan ni Isaak, ng paniniwala ni Domeng, at ng kamuwangan ni Liwa. Utang ko sa kanila ang pag kwestiyon ko sa kalagayan ng pagkilala ko sa 'taga pagligtas' ngayon.
๐https://s.shopee.ph/4VR6IkS3oc