23/07/2025
Tigilan na ang mga band-aid solution na 'yan! Hindi solusyon ang coco lumber! Puro pa-eklat lang โyang ginagawa ng Muntinlupa City Engineerโs Department. Ang kailangan ng Muntinlupa ay maayos, long-term, at matinong plano para sa drainage system! Palakihin ang mga drainage! Magtayo ng pumping station sa mga critical areas!
At kung magpapagawa man kayo ng drainage, siguraduhin ninyong hindi dinadaya ng mga contractor! Halos puno na nga ng lupa ang bagong gawang imburnal, tinabunan pa rinโgaya sa Bayanan, sa Dolleton Street, tapat ng Block 3 malapit sa Barangay Health Center. Halos puno na ang imburnal, tinakpan pa rin para lang sabihing "tapos na." Ganyan ba ang klase ng trabaho na pinapasa ninyo Mayor Ruffy Biazon?
Kung seryoso kayo, gawing U-type concrete drainage na may slab sa ibabaw para tuwing tag-araw ay pwedeng buksan at linisin! Hindi 'yung parang disposable na imburnal na once tinakpan, wala nang paraan para malinis. Ang dami niyong pondo pero parang walang utak ang disenyo!
Kung hindi niyo kayang magdisenyo ng maayos, maglakad-lakad kayo sa Singapore o Hong Kong at kopyahin ang sistema nila. Doon, may disiplina, may teknolohiya, at may foresight. Hindi katulad dito na puro palusot at pabor-pabor!
Muntinlupeรฑo, gumising na kayo. Hindi sapat ang pa-coco coco lumber! Concrete solutions ang kailangan ng mga tao, hindi bara-barang solusyon!