Rexi Page

Rexi Page Thaasophobia

19/08/2023

Paglisan
By:Rexi
#44

Noong una kitang makita,
Ika'y nakikipagsapalaran at puno ng tuwa;
Maraming humanga sa galing na ipinakita,
At sa pangarap mo, ika'y naniniwala.

Walang dudang ika'y may mararating,
Mas magiging kilala at magniningning;
Lumipas ang panahon at ito'y dumating, Natupad ang mga bagay na noon ay isa lang hiling.

Ngunit ika'y dumaan sa mga pagsubok na di maiiwasan,
Tanging magagawa mo'y bumangon at patuloy na lumaban;
Ang mga pagbabago'y pinipilit mong malampasan,
Sa tulong ng pangalawang pagkakataon na sa iyo'y inilaan.

At ngayo'y aking nabalitaan,
Ang iyong biglaang paglisan;
Di ko akalaing iyong kahihinatnan,
Kay saklap na pangyayari para sa iyong mga iniwan.

Sa kabila ng pangyayaring ito,
Ika'y di malilimuta't mananatili dito sa aming puso;
Na patuloy na magiging inspirasyon dito sa mundo
At ako'y nasaktan sa iyong paglisan.

10/08/2023

Tadhana
By:Queil
#43

Tila ito'y mapaglaro,
Puso ko'y binigo,
Akala ang tadhana ay di mabibigo,
Sapagkat ito'y mapaglaro

Puso ko'y pinaglaruan,
Kaya naman ako'y nasaktan!
Ako'y lumaban ngunit sa aking paglaban,
Ako naman ay nasaktan!

Tadhanang mapaglaro!
Akala ko'y nagbibiro!
Sapagkat ito'y hindi pala biro,

Ako'y isang binata na umibig sa isang dalaga,
Oh! Mali pala!
Binatang umibig sa maling dalaga,
Na minahal ko ng sobra!

Binatang walang bisyo kundi ang pagmamahal saiyo ng sobra!
Pero dahil sa tadhana,
Tayo'y nagkalayo na,
Nag paalam na sa isa't isa,

At tuluyan ng isinara,
Ang libro nating dalawa,
Na kung saan ito ang istorya nating dalawa,
At ngayon tayo ay tapos na.

10/08/2023

Mahal parin Kita
Quiel
🍀//42\\🍀

Sa pag gising ng umaga ika'y aking naalala,
Sa pag pikit ng aking mata,
Mukha mo'y aking nakikita,
Sa bawat patak ng luha ko!

Mga ngiti mo'y aking nakikita,
Ngunit sa iba kana masaya,
Mga ngiti mong kay tamis,
Ngayon ang puso'y durog at nag hihinagpis,

Lahat ng pagsubok ay ating tatahakin,
Bakit kailangang lumisan ka?!
Bakit kailangan mang iwan ka?!
kala ko ba tayo'y magkasama,

Mag kasama hanggang sa pag tanda?
Ikaw na nariyan kapag ako'y nasasaktan,
ako’y naririto kapag ikaw ay nasaktan,
Pero sobra akong nasaktan,

Sa aking nalaman na meron ka na palang iba,
Pero mahal araw-araw ko paring iniisip,
kung magkakabalikan pa ba tayo?
Kasi pinanghahawakan ko mga salitang
binitawan mo nung tayo,

Salitang "Mahal?! ikaw lang" pangako,
Salitang "tayo lang" hanggang dulo,
Mahal? Kulang paba ang I LOVE YOU ko? Kasi kung kulang pa ito'y aking dadagdagan pa!

Pero bat ganun mahal? Mistulang bula ka
na nag laho,
Kaya ito ngayon puso'y puno ng kalungkutan nung lumisan ka!
Kalungkutan nung nawala kana!
Kalungkutan na di inaasahan!

Kalungkutan na di kailan man mapigilan!
Kalungkutan na di maiwasan!
Di maiwasan pumatak ang mga luha,
Luha na galing sa aking mata,

Aking mata't puso'y malungkot nung
lumisan ka,
Lumisan ka ng biglaan ng hindi nagpapaalam,
Ngayon ang puso ko'y naghihinagpis sa
kalungkutan,
Ngayon wala kana at masaya kasama ng iba,

Pero wag kang mag-alala andito lang ako,
hihintayin kita dahil mahal na mahal parin
kita.

10/08/2023

Kung maibabalik pa
#//41\\

Sa Lugar na hinahanap ang tatak,
Kasama ng bituing pumapatak,
Anjan ang lungkot at sayang tinatahak,
Sa pusong nagiging batak.

Tumpak ang saya,
Lahat naman ay tinaya.
Pero sa taong puro simpatya,
Aba'y lahat ay iaakay.

Sinta,
Kung babalikan ang dating saya,
Yung panahong pwede pa,
Pwede ba... "Huwag na?"

Mahal ang isa't isa,
Pero mas kakayaning ika'y lumaya,
Kaysa anjan ka't 'di mo'ko dama.
Kaya pwede ba huwag na?

Balikan natin ang dati,
Yung kaya mong huwag magdalamhati,
Sa alaalang sakin ay nagpapatampipi,
Mahal Kita kaya ako'y lalayo't hihikbi.

10/08/2023

Pag ibig
Quiel
🍀//40\\🍀

Ang pag ibig ay di biro,
Mahirap rin ito makatagpo,
Minsan pa nga'y di mapagtanto,
Kung sya ang hanap ng puso,

Sya nga ba ang mahal ng aking puso?
O sadyang sya lang ang nanjan para sa aking tabi?
Kabyak nga ba ng puso?
O kawatak ng pag ibig na di mabuo?

Tatagal kaya kung magiging kami?
Tatagal kaya kung mas patatatagin kami?
Mga katanungan na walang nais makasagot,
Kundi kami lang ang patunay na makakasagot,

Una'y akala madali ang pag ibig,
Nasaktan ang puso ayaw na muling umibig,
Kailan kaya muling iibig?
Kung sa ganitong sitwasyon ay talo ang pag ibig,

Lumaban ngunit di pinaglaban,
Nangako ngunit napako,
Nangarap pagkat di natupad sa alapaap,
Pero gayun man di masamang mangarap,

Mangarap na sya parin ang iyong mahal
Kahit dina ikaw ang kanyang minamahal.

10/08/2023

Ang maling akala
🍀//39\\🍀
✍️ Queil

Akala ko may tao nang nakakaintindi saakin,
Ngunit akala ko lang pala,
Akala ko nauunawaan mo na mga nararamdaman ko,
Hindi pa rin pala dama ito,

Oo nga sinasabi mo palagi na naiintindihan mo ako,
Ngunit hindi ko naman dama ang pagmamahal mo,
Akala ko di na ako masasaktan,
Ngunit grabe ang sakit na iyong dulot,

Umasa ako na sana lahat nang akala ko ay maging totoo,
Sapagkat hindi pala biro ang umasa,
Lalo sa taong pinakamamahal ko ng sobra,
Walang labis walang kulang mahal nga talaga kita,
Sapagkat isang maling akala ay bigla ka nalang nawala,

Nawala na tila'y bula,
Nanlamig nalang bigla,
At nagpaalam na tayo'y wala na,
Kay sakit isipin na lahat ng akala ko'y magiging totoo,

Sapagkat ginoo ko,
Ang tanging huling akala ko,
Yon ay lumigaya ka sa piling ng bagong binibini mo.

10/08/2023

Pag-ibig
✍️Quiel
🍀//38\\🍀

Ito nanaman iibig nanaman!
Masasaktan kaya muli?
Oh mamahalin na ng tuluyan?
Pero sigurado ako ito'y ikakasakit ko lamang

Batid ko na pag sumugal ako
Ako parin ang talo!
Dahil kahit anong sugal ko!
Palagi akong talo at hindi kailan man nanalo.

Sa larong pag iibigan.
Ako'y maraming napusuan,
Hinangaan at sinubaybayan pati kabaitan,
Akala'y sya na sya naman pala ang nagdala.

Nagdala? Pasakit na dinala niya,
Kundi sana sa kanya!
Ako'y dina muling iibig pa,
Sapagkat nagbigay ako nang pag asa para lamang mahalin ka.

10/08/2023

Oras,Minuto,Segundo
Rexi
🍀//37\\🍀

Bilang na lamang ang tayo,
Pagsasama'y nabuo,
Sa sariling paglalaro,
Paglalaro na pati damdami'y nalaro,

Hindi nga talaga ito biro,
Tila'y biro ang pagsuko,
Sapagkat kay hirap rin pala sumuko,
Lalo na't mahal mo ang iyong sinusuko,

Minu-minuto'y luhang pumapatak,
Di magkawatak watak,
Tila'y agos nang tadhana,
Di alam kung saan tutungo ang agos ng tadhana,

Maaring maling landas talaga,
O sadyang maling tao ka lang pala,
Maari din namang tamang tao ka pala,
Ngunit maling araw naman ang napili ninyong dalawa,

Noo'y segundo lang ang pagitan nang pag uusap ninyong dalawa,
Ngayo'y oras at minuto na,
Andaming dahilan na siya'y maraming ginagawa,
Di lang masabing siya'y sawa,

Sawa sa relasyon niyong dalawa,
Na puro ikaw ang umuunawa,
At siya naman'y palagi raw may ginagawa,
Ngunit totoo pala'y siya ay pagod at sawa na sa pagsasama ninyong dalawa.

10/08/2023

Ama
Rexi
🍀//36\\🍀

Tatlong letra,
Kung tawagin siya'y ama,
Akala'y liligaya,
Sapagkat siya pala'y problema,

Problema'y dala niya,
Saya at ligaya na tila'y pinawi niya,
Akala'y magiging kasama,
Sa hirap at ginhawa,

Ngunit hindi naman din pala,
Ikaw lamang din naman pala ang may dala ng problema,
Problema na sa pamilya'y di mawala,

Anak na binata'y lunod sa problema,
Dahil sa kagagawan ng isang ama,
Ama na nagtakwil ng isang binata,
Ama na nagpakasaya sa piling ng ibang pamilya,

Siya'y nagdala ng problema,
Sa binata'ng hindi naman dapat mamroblema,
Binata pa lamang ay lunod sa problema,
Binata'y di makatulog sa gabing kakaisip sa ama,

Salitang sambit niya,
Nakatatak parin sa isip nang binata,
Akala'y may pag asa,
Ngunit ang akala'y mali naman din pala,

Umasa na siya ang lakas,
Sapagkat siya naman ang nagwakas,
Ama na dapat ay kasama,
Ngayon nasa ibang pamilya na lumiligaya.

10/08/2023

Umaasa
Rexi
🍀//35\\🍀

Ako'y umaasa,
Na tayo na ngang dalawa,
Hanggang dulo,
At walang duda,

Sapagkat lahat ng duda,
Tila'y nagkatotoo na pala,
Akala ko'y tayo na,
Ngunit umaasa na pala,

Nung una'y hindi ko ito ginusto,
Sapagkat tumatagal ay hindi na ito mapagtanto,
Ako'y aasa na lamang ba?
Oh ang aking inaasahan ay mangyayare na?

Sakit isipin na ako'y umaasa,
Sa taong gaya mo na paasa,
Tila'y walang pag-asa sayo sinta,
Sana makamit at maala-ala,
Ang pagsasama nating dalawa.

10/08/2023

"BINGI"
Rexi
🍀//34\\🍀

Mga salitang nakakarindi
Sa tenga ko'y nakakabingi
Sa mga sinasabing hindi mo
Iniintindi
Sa bibig mo'y pait ang mga
Sinasabi

Puro sakit at kamatayan ang
iyong nais
Intindihin mo ang mga taong
Handang makinig sayong hinagpis
Sabi mo nga'y "gusto ko ng mamatay"
Ngunit kaming nais tumulong sa
iyo ay iyong pinapatay

Mga salitang hindi kaibig-ibig
Mga salitang binibitaw na walang
ibig
Mga salitang hindi kaayon-ayon sa
Pandinig

Mga salitang nakakasakit
Puro pait at lait
Mga salitang nakakaiyak
Puso ko'y nabibiyak

Sanay matauhan ka na
Sa iyong mga isinasalita
Sanay maalis ma sa iying isipan
Ang mga salitang hindi
Katuwa-tuwa

10/08/2023

Mukha
Rexi
🍀//33\\🍀

Diyos Ang may likha
di mo mababago Ang iyong mukha
dahil diyos Ang may gawa
kahit anong likha
mo sa iyong mukha
tanging diyos lng Ang makakagawa

Address

Peñaranda

Telephone

+639947827659

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rexi Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share