31/03/2026
SORSOGON ANIMAL RESCUE AND ADOPTION
JUSTICE FOR COOPER 🐾
⚠️ Content Warning: animal cruelty
Noong gabi ng March 30, 2026, bandang 11:52 PM sa Purok 6, Candaba St., Magurang, Polangui, Albay isang inosenteng a*o na si Cooper ang walang awang sinaktan.
Si Cooper ay isang mabait at walang kalaban-laban na a*o. Hindi niya deserve ang ganitong klase ng karahasan.
May hawak kaming CCTV footage, ngunit hindi muna ito maibabahagi dahil ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng imbestigasyon.
⚖️ Ang ganitong gawain ay malinaw na paglabag sa Animal Welfare Act of 1998
📌 May kaakibat itong multa (₱30,000 – ₱250,000) at pagkakakulong (hanggang 2 taon), depende sa bigat ng
ka*o.
⚖️ Sisiguraduhin naming ito ay dadaan sa tamang proseso upang makamit ang hustisya.
HINDI KAMI TITIGIL.
Hindi kami titigil hangga’t walang napapanagot at may nakukulong sa pananakit at pagpatay ng mga inosenteng hayop.
Para kay Cooper. Para sa lahat ng walang boses.