31/10/2025
Sa Mga Pharmacy Assistant Dyan Para Sainyo To!
At sa mga mommies mas mabuti na ding mag double check tayo!
Kung may brand na, na nakalagay sa reseta please naman yun ang sundin nyo!
Buti nalang may experience ako sa gamot kaya may idea ako.
Story Time!
Pina check up ko si Liya dahil may ubo, ang nireseta sakanya ay Disudrin Drops hindi ko namalayan na ibang brand pala ang binigay nila. Binigay nung botikang pinag bilhan ko SYMDEX D kaso sa reseta may bukod pang paracetamol na nireseta as you can see sa formulation ng Symdex may paracetamol na ring kasama. So what if nilagnat si Liya? May nainom ng paracetamol sa symdex may maiinom pang another paracetamol edi sosobra na yung dose ng paracetamol na maiinom nya? What if ma overdose?
Sasabihan nyo pang OA mo naman gamot lang! Hello itetake ng BABY yon! 4months old palang. Sa mga pharmacy assistant please lang pag wala kayong ganong brand sabihan nyo nalang hindi yung ibang brand ang ibibigay nyo! Kakamadali kopa naiwan kopa sakanila yung reseta buti nalang yung disudrin mabibili kahit walang reseta
Sasabihin nyo hindi ko chineck? 1st nagmamadali na kami dahil nag arkila lang kami ng service, chineck ko yung gamot nasa trike na kaaya ang ending namili ule ako ng disudrin drops nung may nadaanan kaming botika.
Kung meron lang gamot na binebenta sa pedia ni baby dun ako bibili kaso wala kaya no choice kundi sa labas bumili. Kaya nga may reseta para yun ang sundin diba?
Please lang kung nag ask ang costumer nyo ng ibang brand dun kayo mag bigay pero kung may brand naman na nakalagay sa reseta ay sundin nyo naman dahil baby ang iinom nyan! Hindi porket parehas na pang ubo ay okay na! Oo maarte talaaga akong nanay pag dating sa iinumin ng anak ko!
As per her pedia kung ano ang binigay yun ang dapat na ma take nya. Gamot po yung hawak nyo at baby yung iinom nyan.
Napa rant tuloy ang mima na to😫