lily petallo

lily petallo god is good all the time
(6)

"AKALA KO PAGOD LANG PERO HINDI NA SIYA NAGISING SA BUS"Araw-araw, nagtratrabaho ako ng bus. Ganyan na ang buhay ko bila...
07/08/2025

"AKALA KO PAGOD LANG PERO HINDI NA SIYA NAGISING SA BUS"

Araw-araw, nagtratrabaho ako ng bus. Ganyan na ang buhay ko bilang konduktor — sinisiguradong may ticket ang mga pasahero, tinitiyak na ligtas ang biyahe, at sinasagot ang tanong ng mga first-time uuwi sa probinsya.

Pero ngayong araw, iba. Iba ang naramdaman ko. At alam kong hinding-hindi ko ito malilimutan.

Pasado alas-dos ng madaling araw, sumakay siya — isang lalaki, tahimik, may dalang isang malaking maleta at isang backpack. Hindi ko pa alam noon, pero seaman pala siya. Galing pa raw siya ng America, may connecting flights pa mula Qatar, tapos Manila.

Mukha siyang pagod na pagod. Hindi siya halos nagsasalita. Tumango lang nang tanungin ko kung ok lang siya.

Pagkaupo niya sa may bandang likod, sumandal siya, at ipinikit ang mga mata. Sa isip ko, baka gutom lang o puyat. Wala akong duda. Marami kaming pasaherong ganyan. Normal lang.

Nang halos isang oras na ang lumipas, may umakyat na Inspector na sinimulan ang pag-check ng tickets. Isa-isa kong nilapitan ang mga pasahero.

Paglapit ko sa kanya, tinapik ko ang kanyang balikat.

"Boss, ticket lang po..."

Hindi siya gumalaw. Parang mahimbing lang ang tulog. Hindi pa rin ako nag-alala. Ayokong guluhin siya — baka sobrang pagod lang. Baka jetlag. Hinayaan ko na muna.

"Mamaya na lang siguro pag gising niya,"

sabi ko sa sarili ko.

Pero pagdating sa terminal… Tinawag ko na siya.

"Boss... boss, gising na po... Dito na po tayo."

Wala pa rin.

Medyo kinabahan na ako. Nilapit ko ang mukha ko. Tiningnan ko kung humihinga. Tinapik ko ulit — mas malakas.

Wala.

Lumamig ang batok ko. Kinabahan na talaga ako. Tinawag ko ang driver. Tinawag namin ang ibang pasahero. May nurse daw na pasahero. Tiningnan ang pulso. Wala na raw.

Wala na siya. Doon mismo sa bus. Sa upuang pinili niyang maupuan. Sa biyahe na dapat sana’y masaya.

Tahimik ang lahat. Walang kumikibo. Yung ibang pasahero, tahimik na umiiyak.

Ako? Nakaupo lang sa harapan ng bus... hawak ang maleta at backpack. May name tag:

"SEAMAN"

May mga pasalubong sa loob. Chocolate. Laruan. Picture ng pamilya.

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Ako ang huling taong tumawag sa kanya... Pero hindi ko siya napukaw. Kasi... wala na pala talaga siya.

Ipinagdasal ko siya:

"Panginoon, Hindi ko siya nakilala. Hindi ko alam ang buong kwento niya. Pero nakita ko sa mga mata niya ang pagod, ang lungkot, at ang pananabik na makauwi. Sana po, yakapin Niyo po siya kung saan man siya naroroon ngayon. Siya po ay bayani — lumaban para sa pamilya. Nawala hindi sa digmaan, kundi sa tahimik na biyahe pauwi ng tahanan. Gabayan Niyo rin po ako, Panginoon, at kaming lahat na saksi sa mga kwentong ganito. Bigyan Niyo po kami ng pusong may malasakit at matang laging mapagmatyag. Paalam, Kabayan. Pasensya ka na… Hindi na kita nagising."

Sa lahat ng seaman na nagbabalik-bayan — saludo kami sa inyo. Sa bawat konduktor, driver, crew, at kasabay sa biyahe — tandaan natin, minsan ang pasaherong katabi natin ay may mabigat na kwento. Minsan, hindi na sila nakakarating.



07/08/2025

Domodoble na paningin ko kaka upload Pero yung $ dipa rin domodoble🤣🤣🤣

P300,000 NA IPAMBIBILI SANA NG SECOND HAND JEEP NG ISANG JEEPNEY DRIVER MULA TAGUIG, NASUNOG! MAPAPALITAN PA KAYA O TULU...
07/08/2025

P300,000 NA IPAMBIBILI SANA NG SECOND HAND JEEP NG ISANG JEEPNEY DRIVER MULA TAGUIG, NASUNOG!

MAPAPALITAN PA KAYA O TULUYAN NA ITONG MAAABO?

“Siguro mga nakakadalawang ikot pa lang ako nu’ng araw na ‘yun sa pamamasada ng jeep.

May tumawag na sa akin.

‘Yung bahay raw namin, nasunog!

Pagdating ko sa’min, ang kapal na ng usok.

Kitang-kita ‘yung harapan ng bahay namin na nasusunog na!

Hindi ko makita ang asawa at mga anak ko!

Natakot ako.

Naiisip ko, ‘Patay na ba sila?’

Hanggang sa ‘yung isa kong pinsan, sinabihan ako na safe raw ang pamilya ko.

Hanggang sa naalala ko ‘yung iniwan kong pera.

Nanghiram kasi ako ng 300,000 pesos sa tito ng asawa ko.

Pambili sana namin ‘yun ng sarili naming jeep.

Tinanong ko sa asawa ko kung naisalba.

Doon na siya umiyak nang umiyak.

Hindi raw niya nakuha ang pera, nawala sa isip niya.

Binalikan namin ‘yung pera nu’ng wala nang apoy.

Paghukay ko, nakita ko watak-watak na ‘yung pera.

Nanghihinayang talaga ako.

First time namin makahawak ng ganung pera tapos nawala pa.

Parang start to zero ako.

Sana may chance na mapalitan ‘yung pera.

Sa mga may mabubuting puso, sana matulungan n’yo rin kaming lahat na nasunugan sa lugar namin.”

-Mark, jeepney driver



E ready na ang Mesa at malapit na maluto..
07/08/2025

E ready na ang Mesa at malapit na maluto..

Nakakatakot na ang panahon ngayon😭😭😭Nag paabot ng pakikidalamhati ang Universidad de Isabel de Naga, Inc sa pagkamatay n...
07/08/2025

Nakakatakot na ang panahon ngayon😭😭😭

Nag paabot ng pakikidalamhati ang Universidad de Isabel de Naga, Inc sa pagkamatay ni Vince Anthony Mendoza; ang estudyanteng sinaksak-patay sa lungsod.

“As a University, we extend our deepest condolences to the bereaved family and friends of Mr. Vince Anthony Mendoza, who was found lifeless last night at Barangay Dayangdang, Naga City.
Mr. Mendoza is a 4th-year BS in Medical Technology student and a member of the USI Falcons Pep Squad.

The Universidad de Isabel de Naga, Inc. community stands united in prayer for the immediate pursuit of justice.

Rest in paradise, Vince.”

07/08/2025

Dati taglish gamit ko, ngayon Arabic English na. "I put in one Sahan" instead I put in one plate 🤣🤣🤣🤣

😭😭😭
06/08/2025

😭😭😭

Baka may mga vlogger na naka luwag luwag dyan tulungan nio si kuya.Babala: Maging disente sa pagkomento.LALAKI MULA ILOI...
06/08/2025

Baka may mga vlogger na naka luwag luwag dyan tulungan nio si kuya.

Babala: Maging disente sa pagkomento.

LALAKI MULA ILOILO, HIRAP NANG MAKAPAGSUOT NG SALAWAL DAHIL SA KANYANG PUWET NA UNTI-UNTING LUMOBO AT TUMITIMBANG NA NG 15 KILOS!

“Nu’ng bata ako, hindi pa sagabal sa akin ‘yung bukol ko.

Maliit pa lang.

Nakakalakad pa ako.

Nakakatakbo.

Pero paglaki ko, parang sumusunod sa paglaki ko ‘yung bukol.

Tinatawag na akong pato.

Masakit man sa akin, hinahayaan ko na lang.

Umiiwas kasi ako sa away.

Araw-araw, lumalaki ‘yung likuran ko.

Nu’ng nagtatrabaho na ako, parang malaki sa mangkok ‘yung bukol.

Magkabilaan.

Hirap na akong makaupo.

Sa dinami-dami ng tao, bakit ako pa?

Naging mabait naman ako.

Pero ngayon, parang wala na akong silbi na wala na akong trabaho.

Naawa na ako sa Nanay ko.

Dapat ako lang tumutulong sa kanya kasi matanda na siya.

Gabi-gabi, nagdadasal ako na bumalik na sa normal ang sitwasyon ko.”

-Ronel, 37-anyos


Ctto

06/08/2025
06/08/2025

Babala sa mga OFW nanasa Saudi Arabia

meron isang pinoy sa jail na hinatulan ng stone to death kasi may kinasama na pinay din at pareho silang may asawa sa pinas.

ang masaklap eh nabuntis un babae at noong manganganak na sa hospital eh wala silang naipakitang papel na mag asawa sila.

ayon parehong kulong un babae daw kasama nakakulong un bata.

then later on parang ibinaba sa 9 na taon un hatol nila at nacancel na un stone to death na unang hatol

pakibigay babala nga po pala yan sa mga kababayan natin sa mga post ninyo sa inyong Facebook para mabigyan sila ng babala baka akala nila na medyo na open na ang saudi arabia eh ok na gawin un mga kalokohan nila.

Kainan na
06/08/2025

Kainan na

Sa sobrang busy Yan po nangyari Good morning guys
06/08/2025

Sa sobrang busy
Yan po nangyari
Good morning guys

Address

Bikol
Pili
4418

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when lily petallo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share