
05/06/2025
May nag viral na cake at di nagustuhan yung gawa nyang full fondant cake.
Kagaya ko din nuon newbie lang ako year 2021, 6 months pa lang ako gumagawa ng cake tumanggap ako ng Full Fondant dati tumatanggi ako nag lakas loob ako subukan para ma try kung kaya.
1st picture ▶️ October 2021, 1600 bigay ko dyan i think at nag discount dn ako kasi panget nga nagawa ko. Kitang kita naman na di antay at panget talaga sya. Pero nag thank you ang client saken kahit di kapulido ang sabi bawing bawi naman daw sa lasa.
2nd Picture ▶️ November 2021 may nagpagawa ulit after a weeks. 1400 lang naman bigay ko. And tingin ko naman nagawa ko ng maayos yung cake pantay na sya pero hindi sharp edge. Pero ang feedback saken hindi nagustuhan ang gawa ko, panget at parang burger daw. Nag complain talaga sya at sabi ko mag rerefund ako ng konti if di talaga nagustuhan.
After that di na ko tumanggap. ilang cakes din natanggihan ko na full fondant ang order. Puro fondant toppers nalang ginagawa ko. Parang nawalan ako ng self confidence, tiwala sa sarili na kaya kong gawin. May mag inquire saken sabihin ko na di ko kayang gawin at baka mapahiya ako sakanila, masira pa tiwala nila saken. Kaya puro icing cakes nalang ginagawa ko tas printed or fondant toppers.
Pero biglang may nag tiwala ulit saken sabi nya "KAHIT PANGET KALABASAN BASTA FONDANT GAWIN MO, TIWALA NAMAN AKO SAYO TSAKA MASARAP ANG CAKE MO BAWI NA TAYO DUON" dahil sakanya nilakasan ko loob ko na gawin ang cake.
3rd Picture ▶️ May 2024, tuwang tuwa ako kahit kabado ako ng ginagawa yan at madaming dasal 😅🤣. Nagawa ko ng maayos ang cake at super nagustuhan nila
4th Picture ▶️ May 2025, may nagpagawa nanaman ulit saken. Sobrang nagustuhan din nila gawa ko.
Yan pa lang nagagawa kong full fondant kasi bihira na saken magpagawa kadalasan icing cake nalang. Sabi ko kasi kung di ko susubukan ulit di ko malalaman kung kaya lo ba talaga. Tsaka always ako nag sasabi sa client na hindi 💯% gayang gaya ko ang cake. Madaming maiiba pero gagawin ko makakaya ko para magustuhan nila. Pero sa tagal ko ng baker 1 pa lang nag complain saken na di nagustuhan gawa ko. Basta be honest lang sa client at laging maniniwala sa sarili na kaya mo. 🥰