ASAP NA Partylist Pililla Rizal Chapter

ASAP NA Partylist Pililla Rizal Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ASAP NA Partylist Pililla Rizal Chapter, News & Media Website, A. V Masarap Street, Pililla.

Tara na Magpa member!! ASAP NA Partylist Pililla RizalMembership Registration February 20. 20258:00 am @ M. Casas St. Ba...
19/02/2025

Tara na Magpa member!!
ASAP NA Partylist Pililla Rizal
Membership Registration
February 20. 2025
8:00 am @ M. Casas St. Barangay Takungan Pililla Rizal

19/02/2025

Binigyang-diin ni ASAP NA Party-list nominee Amiel Toreja ang pangangailangan ng mabilisang ayuda para sa ating mga kababayan, ngunit mas mahalaga rin ang pagtutok sa mga programang magdudulot ng pangmatagalang pag-unlad.

Naniniwala siya na ang mga pangmatagalang hakbang at solusyon na ito ay magsisilibing pundasyon sa pag-unlad ng bawat komunidad, hindi lamang sa ngayon kundi pati na rin sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga makatarungan at inklusibong proyekto, matutulungan nating maiangat ang kalidad ng buhay ng ating mga kababayan.



19/02/2025

Bakit ASAP NA Party-list ang dapat iboto?

Ang ASAP NA Party-list ay nagsusulong ng mga programang may direkta at pangmatagalang epekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino. Kabilang dito ang mas maraming trabaho na may mas mataas at disenteng sahod upang matulungan ang bawat pamilya. Hindi rin dapat maging hadlang ang kahirapan sa pag-aaral, kaya’t isinusulong ang libreng edukasyon at scholarship programs para sa kabataan.

Bukod dito, naniniwala ang ASAP NA, na ang isang masiglang komunidad ay may malaking relasyon sa mas maunlad na bansa, kaya’t pinapalakas nito ang sports programs, community activities, at rehabilitation efforts para sa mga nangangailangan. Kasama rin sa adbokasiya ang medical at burial assistance, upang walang sinuman ang mapabayaan sa oras ng pangangailangan.

Ang tunay na pagbabago ay hindi dapat inaantay—dapat ito’y agad na isinasagawa! Para sa agarang serbisyo at solusyong pangmatagalan, ASAP NA Party-list!



19/02/2025

Bakit mahalaga na bumoto ng party-list?

Ang party-list system sa Pilipinas ay binuo upang tiyakin na ang mga sektor sa laylayan ng lipunan ay may representasyon sa Kongreso. Katulad ng mga district representative, may kapangyarihan ang mga party-list na magpasa ng batas at magsulong ng mga makabuluhang programa na pakikinabangan hindi lang ng sektor na kinakatawan nito, kundi pati na rin ng buong bansa.

Sa kabila ng mga isyung bumabalot dito, napakahalaga pa rin na bumoto ng isang tamang party-list sapagkat kung madaragdagan ang ating kinatawan sa Kongreso, mas lalakas ang ating tinig, mas maraming serbisyong mapakikinabangan, at mas mabilis ang paglapit sa tulong sa oras ng pangangailangan.

Ang ASAP NA Party-list ay nagsusulong ng mga programang may direkta at pangmatagalang epekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino. Kinakatawan nito ang masang Pilipino na nangangailangan ng Agarang Serbisyo at Aksyong Pangmatagalan. Ang mga programa ng ASAP NA Party-list ay hindi lang pangako, kundi aksyong nararamdaman na ngayon mula sa pagbibigay ng mas maraming trabaho, suporta sa kabuhayan, at serbisyong direktang nararamdaman.

Huwag sayangin ang boto—iboto ang ASAP NA Party-list!



19/02/2025
16/02/2025

16/02/2025

ASAP NA Partylist Iboto!!!


16/02/2025
16/02/2025

ASAP NA Party-list ang nangungunang Partido sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Mindanao! Ipinaglalaban ng ASAP NA Party-list ang mas mabilis na serbisyo sa ating mga kababayan at paglalatag ng mga pangmatagalang solusyon.

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan upang matiyak na ang kinabukasan ng mga kabataan ay mas maliwanag, mas mau...
16/02/2025

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan upang matiyak na ang kinabukasan ng mga kabataan ay mas maliwanag, mas maunlad, at mas makatarungan. ✊❤️💙

TANDAAN: Dumerecho sa likod ng balota, IBOTO at I-SHADE ang 111 ASAP NA. Isang Party-list lang ang pwede mong iboto. Kap...
16/02/2025

TANDAAN: Dumerecho sa likod ng balota, IBOTO at I-SHADE ang 111 ASAP NA. Isang Party-list lang ang pwede mong iboto. Kapag higit sa isa ang binotong Party-list, ito ay mapawawalang bisa!

IBOTO ANG 111 ASAP NA Partylist para sa Agarang Serbisyo At solusyong Pangmatagalan!

ASAP NA Partylist Pililla Rizal Chapter

Address

A. V Masarap Street
Pililla

Telephone

+639759201936

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ASAP NA Partylist Pililla Rizal Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ASAP NA Partylist Pililla Rizal Chapter:

Share