27/07/2023
Bakit nga ba madalas "pag-iinum ng alak" ang pinagtatalunan ninyong mag-asawa?
Masama bang mag-inum? Masama bang mag-enjoy? Masama ba magkaroon ng social life? Bonding with friends?
Sa totoo lang hindi naman ganun yun. Kundi yung ibang mga factors na related dito katulad na lamang ng mga sumusunod:
1. PERA. Yung pera pambili ng alak na wala na nga kayong halos makain panay bili ka pa ng alak. Unless na lang di ka nagaambag sa inuman 😅
2. ORAS. Yung oras na imbis na ilalaan mo na lang sa pamilya mo matapos ang isang linggong pagtatrabaho ay magiinum ka pa kasama ng barkada mo.
Tapos uuwi ka ng lasing tulog na ang asawa at anak mo. Bukas paggising nila hindi ka pa din nila makasalamuha dahil may hangover ka. Sa susunod na araw babalik ka na kaagad ng trabaho. Para ka lang bula. Tapos linggo linggo ganito ang eksena. Nasaan naman ang oras para sa pamilya mo?
3. BARKADA. Baka kasi walang tiwala ang asawa mo sa mga kasama mo sa inuman? Baka hindi sya kampante sa mga barkada mo. Baka yung barkada mo ay yung tipo ng barkada na kukunsintihin ka kapag may mali ka ng ginagawa. Madaming ganyan. 👎
4. HEALTH. Kapag nagkasakit ka sa pag-iinum ng alak paano na lang ang pamilya mo? Sino ang magaasikaso sayo? Sino ang magpupuyat? Sino ang magaalala? Di ba pamilya mo?
5. INSENSITIVITY. Madalas ang asawa mo 24/7 walang pahinga sa mga anak ninyo pero hindi magawang lumabas kasama ng barkada. Pero ikaw konting rest day takbo agad sa barkada. 😔 Hindi mo man lang magawang matanong ang asawa mo baka gusto nyang magpahinga. Baka kailangan nya ding lumabas kasama ka?
These are the reasons bakit galit na galit ang mga asawa ninyo tuwing nagiinum kayo. Kasi hindi naman dahil sa alak lang. Maraming factors.
Kaya maganda dyan pinaguusapan ninyo kapag lalabas ka kasama ng barkada. Kailan ba pwede at kailan hindi. Huwag naman yung gabi-gabi o linggo-linggo. Maglaan ka naman ng oras at atensyon sa mga taong nagmamahal sa'yo. 👍
Miss Ava
Martina Martina
CTTO