04/09/2022
Ang mga Problema ng mga Lalaki sa mga Babae
Panimula
Tagalog. Ito ang gagamitin kong wika sa blog na ito. Kahit na English ang ginagamit ko kapag nag-eemote sa sarili, mas ok kapag tagalog ang ginamit ko kapag nag-eemote sa ibang tao. Mas madaming expressions ang magagamit ko at mas madali ipaintindi ang point ko.
Sa mga babaeng mambabasa, wag sana kayong magalit. Walang personalan. Pero tingin ko sasang-ayon naman kayo sa mga sasabihin ko.
Sa mga lalaking mambabasa naman, sigurado ko marami ding sasang-ayon sa inyo dito. Hindi lang sa Pilipinas, kahit sa buong mundo.
Ang mga sumusunod ay nagmula sa kung saan-saang sources. Base sa sarili kong karanasan, sa karanasan ng ibang lalaki (na nakausap ko ng personal) at sa mga nababasa ko sa Internet.
Madalas ang Away, Bihira ang Pagtatalo
Mahirap intindihin, pero magtiwala kayo, maiintindihan nyo ang ibig sabihin ng Madalas ang Away, Bihira ang Pagtatalo – lalo na yung mga lalaki. Ano ba ang away? Yung tipong may hindi kayo pagkakaintindihan. Badtrip o galit kayo sa isa’t isa. O kahit yung isa lang ang galit. Normal lang ang mag-away. Kung walang away, boring ang relationship nyo at malamang naglolokohan lang kayo. Para kang nagbeach tapos di ka nagswimming – pwede naman kaso walang kwenta.
Madalas talaga mag-away ang magkasintahan. Tungkol nga ba san? Sa selos, madalas. O kaya dahil late yung isa. O kaya may nalimutan. O kaya, wala lang. Oo, wala lang. Mamaya ko na ididiscuss yan. Ang punto ko lang, wag ka magtaka kung lagi kayong nag-aaway ng kasintahan mo. Pero sino ba talaga ang madalas magsimula ng away? Di ko alam, pero para sakin, babae talaga. Hindi ko na idedefend, wala naman akong pruweba.
Kahit madalas mag-away ang magsyota, isipin nyo kung ganun din ba kadalas magkaroon ng pagtatalo. Hindi diba? Ano ba ang pagtatalo? Yung tipong may magkaiba kayong pinaniniwalaan at pareho nyong pinaglalaban yun. Parang debate. Actually, debate nga talaga. Alam nyo bang tuwing may nakikita kong babaeng member ng debate team, namamangha ako. Kasi para sakin rare yung babaeng mahilig makipag debate – at least sa kasintahan nila.
Take note ha, na ang debate, may logic at reason. Kapag sumigaw ka lang ng sumigaw ng “Hindi! Sinungaling ka talaga! Wala kang kwenta!” pero hindi ka naman nagbibigay ng dahilan kung bakit mo nasabi yon, at hindi mo rin hinahayaang magpaliwanag ang kabilang panig, please lang sana maintindihan nyong hindi debate yun. Di ko alam ang tawag dun.
Kaya naman dederetsuhin ko na kayo mga girls – hindi naman lahat, pero marami sa inyo ayaw makipagdebate sa mga kasintahan nyo. Yung tipong kapag may napagdesisyunan ka na na yun ang katotohanan, tapos na, hindi na pwedeng mapalitan yun. Hindi ka na pwedeng maconvince. Hindi na kailangan ng paliwanag. Minsan kunwari makikinig kayo, pero useless lang. Papasok lang sa isang tenga at lalabas sa kabila. Madalas lalo lang nagagalit kapag nagpapaliwanag ka. At imposible ka talagang manalo sa “pagtatalo” nyo.
Madalas pag nag-away na, tatahimik na lang kayo. Hindi nyo na kami kakausapin. Tanong lang, ano ba talaga gusto nyo gawin namin sa ganung sitwasyon?
A.) Ituloy lang ang pangungulit
Dalawa ang pwede mong gawing pangungulit – pwedeng ipilit mo ang point mo at sabihing mali sya, or magsorry ka at sabihing tama sya. Pero sa totoo lang, wala ding kwenta kahit ano sabihin mo. Basta kulitin mo sya, mas lalo lang syang maiinis. Hindi ko alam kung bakit. Parang bawal magpaliwanag. Pag galit sya, kahit mahala ka nya, muka kang kaaway nya.
B.) Tumahimik na lang at palampasin
Ok sana to, kaso anong nangyari? Naayos ba ang problema? Nalaman nyo ba kung anong pinag-awayan nyo at nasolusyonan nyo ba? Madalas hindi. Hihintayin nyo na lang humupa ang galit nyo at pag nawala na, ok na ulit. Labing labing na ulit. Ok yun, pero para kayong nagwalis pero hindi nyo dinakot yung nawalis nyo, bagkus tinago nyo sa ilalim ng sofa. Sigurado konting ihip lang ng hangin lalabas ulit ang alikabok na winalis nyo.
So in short, isa sa problema namin eh yung p**ikipagdebate nyo. Ayaw nyo makipag-usap kapag galit. Ayaw nyo pag-usapan yung away at kung pano maaayos yun. Hindi naman lagi, at hindi din lahat ng babae, pero madami sa inyo ganun. Sayang lang. So guys, pag may date kayo ng gf mo at nalate ka, at pagdating mo ay nakasimangot na sya at ayaw ka kausapin, patay ka na. Ok sana kung magrereklamo sayo at tatanungin ka kung bakit ka late. Pero kung hindi, at hindi ka na lang kinausap bigla, pano na? Girls, pano na nga ba?
Sinungaling
Wala kong ibang maisip na salita na hindi masyadong masama p**inggan, pero wala talaga eh. Yun na talaga eh – sinungaling. Pano nga ba sila naging sinungaling? Simple lang:
bf: Uy ok ka lang ba? Galit ka ba?
gf: Ok lang. Hindi ako galit. 😐
Ano gets nyo na? alam naman nating lahat na habit na ng mga babae na sumagot ng ganyan kahit na galit naman talaga. Pero bakit nga ba? Dahil ba obvious naman na galit sila at di na kailangang magtanong? Di rin namin alam. Gusto lang namin makasigurado. Pero muka kaming tanga at tinatanong pa namin, eh 99% naman eh “ok lang” ang sagot. Eh bakit hindi na lang sumagot ng oo?
Pero wag kayong mag-alala. Alam naman namin eh. Siguro mukang tanga lang tayong lahat. Magtatanong kami kung ok ba kayo, at sasagot kayo ng ok. Pero alam naman nating lahat na hindi kayo oo. Ang gulo lang noh? Pero hindi talaga yun ang problema. Ang pinaka problema eh yung susunod kong sasabihin.
Kailangan Palaging Alam Namin Lahat
Siguro alam nyo na agad kung anong ibig kong sabihin dito. Hindi na nga kailangan ipaliwanag pa, pero gagawin ko pa rin. Nakakainis kasi na nakakatawa.
Advertisements
REPORT THIS AD
bf: Bakit ka ba galit? Ano ba nagawa ko?
gf: Ewan ko sayo! Dapat alam mo kung ano ginawa mo!
Girls, please lang, maawa kayo samin. Seryoso, kapag tinatanong namin kung ano nagawa namin, hindi kami nang-aasar. Hindi kami nanttrip. Alam nyo kung bakit namin tinatanong, kasi hindi namin alam. Totoo, hindi talaga namin alam kung bakit kayo nagagalit kapag tinatanong namin. Ang di namin maintindihan ay bakit ayaw nyo sabihin. Bakit ba kailangan pa pahulaan samin? Bakit ba kailangan pa pahirapan kami sa pag-iisip kung ano yun? Madalas nagiging parang pinoy henyo eh..
bf: dahil ba sa sinabi ko kanina? May nakita ka ba sa fb? May nagawa ba ko? May nalimutan ba ko?
Ano ba talaga ang point ng pagpapatagal pa? Bakit kami madalas sinasabi na namin agad? Siguro nag-eenjoy kayo pahirapan kami. Pero seryoso, hindi ko alam ang point kung bakit nyo ginagawa yun. May nakausap akong babae, at sinabi nya na ganun daw talaga. Pero hindi nya rin maexplain kung bakit. Haha. Sayang.
Ang lumalabas tuloy samin, parang nagagalit kayo dahil wala lang. Alam namin may dahilan, pero ayaw nyo sabihin. Nakakbaliw yun. Parang pinagttripan nyo lang kami. Para ngang “wala lang.” Kagaya ng sinabi ko kanina, pwede ring pag-awayan ng magkasintahan ang wala lang. Minsan dahil sobrang babaw ng dahilan, minsan dahilayaw sabihin kung bakit. Pasaway.
So pano na ulit? Di mo naman alam kung ano ginawa mo, so pano ka magsosorry? Sasabihin mo “sorry sa nagawa ko” pero maiinis sya lalo kasi di mo naman alam kung ano yun. So kagaya kanina, siguro hayaan mo na lang ulit. Pero ano? Ganun ulit, hindi nyo ulit napag-usapan yung problema. Sayang lang talaga.
Minsan din parang hindi nyo naaappreciate yung mga maliliit na bagay na ginagawa namin para sa inyo. Gaya na lang ng mga sinabi ko sa post kong “Mga Simpleng Sakripisyo ni BF“.
Madami pa sigurong problema ang boys sa girls, pero hanggang dito na lang muna. Don’t worry, alam ko may problema din ang girls sa boys. Sa katunayan, I dare you girls na sabihin din samin kung ano ba problema nyo samin. No hard feelings, girls. Naisip ko lang siguro mas magiging healthy ang relationship kung at least ittry nyo baguhin yung mga nabanggit ko. Promise, kami din willing baguhin yung mga problema nyo samin. 🙂
share Naman sa nakarelate .