30/05/2026
Hindi ka binigyan ng buhay para lang sumuko sa gitna ng hirap kundi para patunayan kung gaano ka katatag kahit paulit-ulit kang sinusubok.
Iisa lang ang buhay na meron ka kaya huwag mong sayangin sa pagsuko. Darating talaga ang mga araw na mapapagod ka, masasaktan, at iisipin mong tumigil nalang.
Tandaan mo:⬇️
hindi lahat ng mabigat na laban ay tanda ng pagkatalo. Minsan, ang sakit at hirap ang humuhubog sa’yo para maging mas matibay, mas matalino, at mas handa sa buhay na pangarap mo.
Baka hindi mo pa nakikita ngayon ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo… pero balang araw, maiintindihan mong kailangan mong pagdaanan lahat iyon para maging taong hindi madaling mabasag ng mundo.