Kalatas - Opisyal na Pahayagan ng WFHS

Kalatas - Opisyal na Pahayagan ng WFHS Opisyal na pahayagan sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa West Fairview High School.

  | Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Huwebes, Hulyo 25, 2025, ayon k...
24/07/2025

| Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Huwebes, Hulyo 25, 2025, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla. Manatiling ligtas at mag-iingat ang lahat.

Disenyo ni: James Bidam Aragao

𝗨𝗟𝗔𝗧-𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 | Dalawang bagyo, kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility   Iniulat ng PAGASA na ang ka...
23/07/2025

𝗨𝗟𝗔𝗧-𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 | Dalawang bagyo, kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility

Iniulat ng PAGASA na ang kahapong Tropical Depression na 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗻𝘁𝗲 ay lumakas at naging ganap na 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗺 habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon tropical cyclone formation outlook ngayong Miyerkules, Hulyo 23, 2025, 10 AM. Ang Bagyong Dante ay may lakas ng hangin na 𝟲𝟱 𝗸𝗺/𝗵 sa sentro o mata ng bagyo at may bugso na hanggang 𝟴𝟬 𝗸𝗺/𝗵 at inaasahang lumabas sa PAR bukas, Hulyo 24, 2025.

Bukod pa rito, may isa nanamang 𝗟𝗼𝘄 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗔𝗿𝗲𝗮 ang naitala na nabuong 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 na 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗺𝗼𝗻𝗴 at kasalukuyang nasa loob din ng PAR.

Habang mayroon pang isang LPA sa labas ng PAR na may potensyal na maging isang tropical depression sa loob ng 24 oras ayon sa PAGASA. Naglabas rin ito ng babala sa Metro Manila sa patuloy na malalakas na pag-ulan.

Manatiling ligtas, maging handa, at laging mag-iingat. West Fairvians!

𝗗𝗶𝘀𝗲𝗻𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗽𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Felix Henry B. Olazo

  | Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Huwebes, Hulyo 24, 2025, ayon k...
23/07/2025

| Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Huwebes, Hulyo 24, 2025, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla. Manatiling ligtas at mag-iingat ang lahat.

Disenyo ni: James Bidam Aragao

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Quezon City, idineklara sa ilalim ng state of calamity dahil sa habagat   Idineklara ng City Council ang Lungso...
22/07/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Quezon City, idineklara sa ilalim ng state of calamity dahil sa habagat

Idineklara ng City Council ang Lungsod ng Quezon sa state of calamity bunga ng matagal at malakas na pag-ulan dulot ng habagat ngayong Martes, Hulyo 22, 2025 ng hapon, 5 PM.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang pagdeklara nito ay magbibigay-daan upang mapaglingkuran ng barangay ang mahigit isang libong residente at matugunan ang kanilang pangagailangan.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat lalo na kung ang tinutuluyan na lungsod ay nasa state of calamity, maging handa sa mga posibleng panganib dulot ng masamang panahon ngayon.

𝗗𝗶𝘀𝗲𝗻𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗽𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Felix Henry B. Olazo

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Bagyong Dante, umakyat sa Tropical Depression   Itinaas ng PAGASA ang Bagyong Dante na nabuo mula sa low pressu...
22/07/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Bagyong Dante, umakyat sa Tropical Depression

Itinaas ng PAGASA ang Bagyong Dante na nabuo mula sa low pressure area (LPA) sa silangan ng Central Luzon bilang isang Tropical Depression ngayong Martes, Hulyo 22, 2025 ng tanghali, 2 PM.

Ayon sa DOST-PAGASA, ang bagyong Dante ang ikaapat na bagyo sa ating bansa ngayong taon 2025.

Ang tropical depression ay ang pinakamahinang uri ng bagyo sa klasipikasyon ng mga tropical cyclones, at ang lakas ng hangin nito ay umaabot hanggang sa 61 kilometers per hour (kph), ang bagyong Dante ay kasalukuyang nabibilang dito, ngunit may potensyal itong lumakas at maging tropical cyclone.

Bagama't ito ang pinakamahina, inaasahang magpatuloy ang matinding pag-ulan sa mga apektadong lugar katulad ng Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, at Western Visayas.

Sa patuloy na pagbuhos ng ulan, pinapayuhan ang lahat na laging mag-iingat at maging alerto, manalangin, at maging handa sa anumang posibleng panganib na dulot ng panahon.

𝗗𝗶𝘀𝗲𝗻𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗽𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Felix Henry B. Olazo

  | Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Miyerkules, Hulyo 23, 2025, ayo...
22/07/2025

| Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Miyerkules, Hulyo 23, 2025, ayon sa Malacañang. Manatiling ligtas at mag-iingat ang lahat.

Disenyo ni: James Bidam Aragao

ULAT-PANAHON | Mag-ingat sa malakas na hangin at ulan!Itinaas ng PAGASA ang Red Rainfall Warning sa Metro Manila, Bataan...
22/07/2025

ULAT-PANAHON | Mag-ingat sa malakas na hangin at ulan!

Itinaas ng PAGASA ang Red Rainfall Warning sa Metro Manila, Bataan, at ilang bahagi ng Cavite dahil sa bantang dala ng Habagat ngayong araw, 8 AM.

Isinailalim naman sa Orange Rainfall Warning ang Laguna, Batangas, Rizal, Pampanga, Bulacan, at Zambales. Habang nasa Yellow Rainfall Warning ang Quezon, Nueva Ecija, at Tarlac.

Manatiling ligtas, ihanda ang sarili, pamilya, at tahanan, huwag nang lumabas kung hindi kailangan, at huwag balewalain ang babala ng panahon. Ang ulan na dala ng Habagat ay malakas, ngunit mas malakas ang taong handa.

Disenyo at Kapsyon ni: Felix Henry B. Olazo

  | Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Martes, Hulyo 22, 2025, ayon ka...
21/07/2025

| Suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa Martes, Hulyo 22, 2025, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla. Manatiling ligtas at mag-iingat ang lahat.

Disenyo ni: Felix Henry B. Olazo

TINGNAN: Malakas na buhos ng ulan dahil sa Habagat ang nadama sa West Fairview High School kasunod nito ang malakas na d...
21/07/2025

TINGNAN: Malakas na buhos ng ulan dahil sa Habagat ang nadama sa West Fairview High School kasunod nito ang malakas na daloy ng baha, nitong umaga ika-21 ng Hulyo 2025.

Sulat ni: Arnel Jay Abuan

Sa oras na 11am, nagbigay anunsyo ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ng Orange Rainfall Warning dahil sa malakas na ulan na makakaapekto sa mga mag-aaral at mga kawani ng gobyerno.

Kasunod nito ang pagsuspinde ng klase sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas Kindergarten hanggang Grade 12 at pagpapatupad ng alternative learning system upang ipagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa kabila ng suspensyon.

Kaalinsabay ng anunsyo, pinauwi ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga upang makaligtas sa anumang maaaring panganib dulot ng patuloy na pagtaas ng lebel ng baha, agaran namang pinauwi ang mga mag-aaral ng 12:30pm.

Gayunpaman, inabisuhan ng QCDRRMC ang mga QCitizens na maging alerto sa mga susunod pang mga update sa kanilang page. Bukas ang linya ng QC na 122 sa mga nangangailangan ng tulong o anumang emergency.

Disenyo ni: Ashia Emily M. Ruelan

Kuha ni:
Kenth Vincent Lim
Zhanaya Reyes
Troy A. Borja

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀| 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐫𝐮𝐬𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐥𝐚𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐒𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢: 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐝𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐞𝐳 𝐊𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢: 𝐊𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧...
15/07/2025

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀| 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐫𝐮𝐬𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐥𝐚𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨
𝐒𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢: 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐝𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐞𝐳

𝐊𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢:
𝐊𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐋𝐢𝐦

Nagorganisa ng pagpupulong ang Campus Integrity Crusaders (Wavians Integrity Knights) ngayong Hulyo 14 na ginanap sa Room 203 para sa paghahanda ng mga aktibidad at proyektong isusulong sa paaralang West Fairview High School para sa Taong Panuruan 2025 - 2026.

Ang pagpupulong na ito ay dinalo nina Club Adviser Ma'am Jennilyn Carballo, Pres. Freya Ganancial, Internal Vice Pres. Alchris Galia, External Vice Pres. Kenth Vincent Lim, Secretary Rinoa Cassiofea Ortazon, at iba pang mga officers at representatives na nakapaloob sa club.

Pinangunahan ni Chloe Anne Del Rosario ang pagpupulong sa isang Opening Prayer, kaalinsabay na rito ang pagpapakilala sa Agenda na pinangunahan ni Kenth Vincent Lim.

Una munang pinag-usapan ang plano tungkol sa paggawa ng sariling club uniform, ang kulay nito, at ang sukat nito para sa bawat officers at representatives.

Kasunod naman dito ang pagtalakay sa posibleng "Action Plan" ng nasabing club sa taong ito mula Hunyo hanggang Marso at makipanayam sa mga iba't ibang subject clubs na makisabay at makipagcollaborate habang ginaganap ito sa mga partikular na buwan.

𝐃𝐢𝐬𝐞𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢:
𝐊𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐋𝐢𝐦

𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐅𝐚𝐢𝐫𝐯𝐢𝐞𝐰 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐚𝐛𝐞𝐫𝐜𝐚𝐭𝐬, 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐧𝐝𝐞𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐩𝐨𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐐𝐂 𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐮𝐩𝐊𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢: 𝐒𝐢𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐜 𝐆𝐢𝐥 𝐇𝐢...
12/07/2025

𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐅𝐚𝐢𝐫𝐯𝐢𝐞𝐰 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐚𝐛𝐞𝐫𝐜𝐚𝐭𝐬, 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐧𝐝𝐞𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐩𝐨𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐐𝐂 𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐮𝐩

𝐊𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢:
𝐒𝐢𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐜 𝐆𝐢𝐥 𝐇𝐢𝐧𝐚𝐜𝐚𝐲
𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐉𝐨𝐧𝐚𝐥𝐞𝐧 𝐒𝐚𝐫𝐜𝐨𝐚𝐠𝐚
𝐒𝐢𝐫 𝐑𝐡𝐚𝐦𝐞𝐥𝐥 𝐆𝐚𝐛𝐢𝐨𝐧

𝐃𝐢𝐬𝐞𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢:
𝐀𝐬𝐡𝐢𝐚 𝐄𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐌. 𝐑𝐮𝐞𝐥𝐚𝐧

𝐈𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 | Sabercats, wagi laban sa Team BTV𝙣𝙞 : 𝘼𝙣𝙣𝙚𝙠𝙖 𝙍𝙝𝙞𝙖𝙣𝙚 𝙍. 𝙎𝙖𝙗𝙚𝙡𝙞𝙣𝙤     Bumida patungong panalo ang varsity team n...
06/04/2025

𝐈𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 | Sabercats, wagi laban sa Team BTV
𝙣𝙞 : 𝘼𝙣𝙣𝙚𝙠𝙖 𝙍𝙝𝙞𝙖𝙣𝙚 𝙍. 𝙎𝙖𝙗𝙚𝙡𝙞𝙣𝙤

Bumida patungong panalo ang varsity team ng West Fairview High School na Sabercats matapos mangibabaw kontra koponan ng Maharlika Pilipinas Basketball League na Barias TV sa puntos na 72-51, sa Tune Up game na tinanghal sa Zabarte, Caloocan, kahapon, ikalima ng Abril.

Muling nagpamalas sina John Lynniel Abing, John Paul Alanes, Mark Brendan Amar, Paul Andrei Andrade, Reymart Cayabyab, Rafael De Lima, Daniel Rince De Mayo, Rafael Dumali, Mark Garcia Jr, Charles Lorenzana, Christian David Pascua, Jian Dela Serna Retcha, Angelo Sagum at John Vill Villeza.

Tila nabuhayan sa pagbabalik ang Sabercats at bumawi sa kanilang pagkatalo sa nakaraang laban sa distrito kaya't kanilang nilamangan ang kabilang grupo sa una hanggang huling kanto.

"Sipag lang sa defence at sa offence, walang sisihan, tas sundin yung mga sinabi ni Sir Marc, ibigay yung best." pahayag ng manlalaro ng Sabercats na si Christian David Pascua.

Ang biktoryang ito ay sa ilalim ng pamumuno ng kanilang mahusay at dedikadong coach na si Sir Marc Gil P. Hinacay.

𝘿𝙞𝙨𝙚𝙣𝙮𝙤 𝙣𝙞 :
𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡𝙖 𝙁. 𝙈𝙞𝙖𝙣𝙤

Address

Pitogo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalatas - Opisyal na Pahayagan ng WFHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category